‘Kung kailan nagkaedad saka tumindi ang sex appeal ni Ian!’
KINIKILIG ang mga kaibigan namin sa tambalan nina Ian Veneracion at Bea Alonzo sa “A Love To Last” ng ABS-CBN. Aysus, ang mga kaibigan namin, aminado na kung kailan nagkaedad si Ian ay saka pa nila nadiskubre ang malakas na appeal ng guwapong aktor.
Sabi ng isang kaibigan namin, “Pagkatapos naming mag-freshen-up sa washroom, sila na ang pinagkukuwentuhan namin sa office. Nganga ang hindi nakapanood the previous night, hindi sila makaka-relate sa kuwentuhan.
“Natural, kinikilig kaming lahat, napaka-cute naman kasi ng team-up nila. Alam mo ‘yung hindi sila masyadong nag-e-effort, pero feel na feel ng televiewers ang pagpapakilig nila?
“At si Ian Veneracion, napakaguwapo niya! Kahit saang anggulo mo siya tingnan, sobrang guwapo talaga niya!” kuwento ng aming kaibigan.
Naaaliw naman ang mga Batangueño naming kaibigan sa pagsasalita ng kampo ni Bea, kuhang-kuha raw nila ang puntong Bantangueño, pero meron silang tanong.
“Bakit kapag nasa line of work na si Bea, e, nawawala ang pagka-Batangueña niya, pero kapag sa probinsiya ang mga eksena niya, e, makapal ang accent niya?
“Di ba kapag Bisaya o Batangueña ka, kahit saan, e, dala-dala mo na ang accent? Kay Bea, kapag nasa Manila na siya, wala na ‘yun. Hindi siya consistent,” pagpuna ng isang taal na Batangueñang kaibigan namin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.