Erich, Heart magkaiba ng style sa pakikipaghiwalay kay Daniel
PERA—as most people would say—ang pinakamababaw na dahilan ng pagkawasak ng isang relasyon, mapa-magnobyo pa lang o mag-asawa na.
At kung dito nag-ugat ang paghihiwalay nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga (when there could be more valid reasons like infidelity of either party, irreconcilable differences, etc.), kasingbabaw din ang naging pundasyon ng kanilang relasyon.
Sa isang banda ay sang-ayon kami sa posisyon ni Vanessa, ang kapatid ni Daniel. While both Erich and Daniel couldn’t hide from the public ang kinahinatnan ng kanilang ilang taong relasyon, the least that Erich could do was to state the reason for their breakup para naiwasan sana ang ispekulasyon tungkol sa pera, worse, ang paratang na ginawa siyang gatasang baka ng nobyo.
Pero sa showbiz, may hangganan din ang pagiging totoo. You don’t have to be honest all the time lalo’t there are consequences to the virtue.
Sa kaso ni Erich, at the onset ay hindi na nga siya naging straightforward, she also left a cloud of doubt na nakaapekto sa pagkatao ni Daniel.
Kung kami kasi si Erich, usigin man siya ng kanyang honest self for telling a whopper ay idadaan na lang namin ‘yon sa maayos pero katanggap-tanggap na paraan ng pagsisinungaling without discrediting the man she had fallen in love with.
Maanong sinabi na lang niyang mahirap na makisama sa isang taong may magkaibang kultura? Siguro naman, hindi na para ipa-explain pa sa kanya ng tao what she meant. Obvious namang dalawa ang lahi ni Daniel, iba rin ang kay Erich.
Bakit ba noong nag-break sina Daniel at Heart Evangelista, nagkaroon ba ng pera issue? Didn’t Heart just breeze through their breakup, and before we knew it ay nakatagpo na sila ng ibang partner?
The problem with Erich is that she minces words. Nito lang ay sinagot na niya ang hipag niyang hilaw na magsasalita na siya, why wait for Vanessa’s reaction, du’n din pala papunta si Erich?
q q q
On the assumption na pinerahan lang ni Daniel si Erich, teka, gaano ba katagal ang kanilang relasyon, taon ang inabot, ‘di ba? Eh, recurring pala ‘yon, bakit noong nasa early stage pa ng pamemera umano ni Daniel sa kanya ay hindi niya ito pinalagan?
What is this telling us? Most couples would perhaps agree with us, pero kapag mahal mo ang isang tao and you’re deeply immersed into a relationship, you don’t see the flaws sa pagsasama n’yo. You see them but you ignore them kasi nga, mahal mo ang karelasyon mo.
Balewala lang ang mga ‘yon sa iyo until the frequency or severity recurrence increases. Du’n ka na aabot sa tipping point na tinatawag, when you realize how beautiful but stupid you had been all your life.
Still, it’s no excuse for a bitter goodbye. Puwede pa rin naman kayong maging magkaibigan minus the romantic relationship and everything that comes with it (if you know what we mean).
And by maintaining the friendship, you keep beautiful memories with the person. Just the memories, no longer the person you shared them with.
With friendship comes respect, huwag na ang love para sa taong hiniwalayan mo. Sa aspetong ito mababa ang puntos ni Erich sa kanyang scoreboard.
If it’s any consolation for Daniel, mabuti na lang at hanggang magdyowa lang ang naabot nila. What if they had gotten married at saka lilitaw ang pera isyung ito gayong ipinangako nilang sila’y magsasama for better or for worse, for richer or poorer, in sickness and in health?
Isa lang ang gusto naming ipayo kay Daniel na idayalog kay Erich: Good riddance!
And Daniel, please say it in your native tongue!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.