Huwag gawing dalawa-singko ang Medal of Valor | Bandera

Huwag gawing dalawa-singko ang Medal of Valor

Ramon Tulfo - February 14, 2017 - 12:10 AM

SANA’Y magbago ang desisyon ng Pangulong Digong na bigyan ng Medal of Valor ang 42 miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP) na pinatay ng mga rebeldeng Moro sa Mamasapano, Maguindanao dalawang taon na ang nakararaan.

Maraming tutol sa pagbibigay ng medalya sa 42 SAF troopers.

Dalawa sa mga napatay na SAF commandos—44 kasi lahat silang nasawi—ay nabigyan na ng award.

Magiging lima-singko ang medalya kapag binigay sa mga 42 SAF na nasawi, ayon kay INQUIRER columnist Ramon Farolan, isang retired general ng Air Force.

Ang Medal of Valor ay binibigay sa isang sundalo sa kanyang ipinakitang pambihira at katangi-katanging katapangan sa labanan.

Mangilan-ngilan lang ang buhay na tumanggap ng nasabing medalya, kasama na rito sina Lt. Gen. Arturo B. Ortiz ng Philippine Army at Col. Ariel Querubin ng Philippine Marines.

Sa US Armed Forces, ang medal of honor, na kinopya ang Medal of Valor, iilan din lang ang na-
bigyan na buhay sa 300 taon ng kasaysayan nito.

Ang US medal of valor ay ibinibigay ng US Congress samantalang ang Medal of Valor ay binibigay ng Pangulo ng Pilipinas.

Gaya nga ng US, ang Medal of Valor ng ating bansa ay matumal na
ibinibigay ng gobyerno.

Pero ang desisyon ng Malacanang na bigyan ng Medal of Valor ang 42 SAF troopers ay tatalon ang bilang ng mga nabigyan sa 82.

Dahil dito, puwede na tayong mabilang sa Guiness Book of World Records sa pagbibigay nang pambihira at katangi-tanging medalya ng kagitingan, ang sabi ni Farolan sa kanyang column, Reveille, kahapon.

Dagdag pa ni Farolan, na hanggang ngayon 40 lang ang nakatanggap ng Medal of Valor—27 sa Philippine Army, 8 sa Philippine Marines, 3 sa nabuwag na Philippine Constabulary, at 2 sa Philippine Air Force.

Magiging mura at ordinaryo ang medalya kapag natanggap ito ng pamilya ng 42 SAF troopers.

Sana’y pakinggan ni Presidente Digong sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Ano na nagbigay ng kanilang oposisyon.

***

Naiintindihan ng inyong lingkod si Pangulo sa kanyang desisyon na
bigyan ng Medal of Valor sa mga naulila ng 42 SAF commandos.

Puwede namang bigyan ni Mano Digong ang mga asawa, anak, o magulang ng mga nasawing SAF commandos ng Distinguished Conduct Star, ang pangalawang pinakamataas na award, o Gold Cross, ang pangatlong award.

Huwag lang po ang Medal of Valor, Ginoong Pangulo!
Huwag kayong makinig sa mga advisers ninyo na walang kaalam-alam sa military customs and tradition.

***

Maraming mga benepisyo ang kaakibat sa Medal of Valor sa ilalim ng Republic Act 9049 na ipinasa noong March 22, 2001.

Ang sumusunod ay ilan sa mga ito:
Habambuhay ng buwanang gratuity na P75,000, tax free, bukod sa suweldo o pension.

Hindi na kukuha ng entrance examination sa Philippine Military Academy (PMA) ang mga anak ng awardee.

Libreng pag-aaral ng biyuda at mga anak mula pre-school hanggang graduate studies.

Libreng pagpapa-gamot sa alinmang ospital sa buong bansa.

Prayoridad sa pagkuha ng public lands.

Prayoridad sa paggamit ng natural resources.

Walang collateral na loan hanggang P500,000 sa ano mang bangko; ang gobiyerno ang magagarantiya.

Saluduhan natin si Secretary Jesus Dureza, ang Presidential Peace Adviser, sa kanyang reaksiyon nang inaresto ang kanyang pamangkin dahil sa nakunan ito ng shabu.

Nakunan din si John Paul Dureza ng mga alagad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng baril.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kahanga-hanga ang sinabi ni Secretary Dureza: “I am of course embarrassed as he is a close relative. But I commend the authorities for enforcing and applying the law without fear or favor. That’s the way his no-nonsense drive of President Duterte should go.”
Hurray!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending