Pacquiao sa fans: Pick my opponent | Bandera

Pacquiao sa fans: Pick my opponent

- February 13, 2017 - 06:54 PM
manny pacquiao NANAWAGAN na si Pinoy boxing superstar Manny Pacquiao sa kanyang mga Twitter followers na pumili na nang kanyang makakalaban Lunes matapos niyang  ianunsyo na ang kanyang susunod na world title defense ay gaganapin sa United Arab Emirates. “See you in UAE for my next fight. #TeamPacquiao” sabi ng World Boxing Organization (WBO) world welterweight champion sa kanyang Twitter account kung saan parang pinabubulaanan nito ang mga lumabas na ulat na ang susunod niyang makakalaban ay si Jeff Horn at gaganapin ito sa Brisbane, Australia ngayong darating na Abril. Naglagay din si Pacquiao ng poll sa kanyang official Twitter feed kung saan tinanong nito ang kanyang 108,000 followers na mamili kina Horn, Terence Crawford, Amir Khan at Kell Brook kung sino ang nais nilang susunod nitong kalaban sa UAE. Ang nasabing poll ay tumanggap naman ng mahigit 10,000 boto nitong Lunes ng umaga. Sinabi naman ng isang tagapagsalita ni Pacquiao na nakatakda itong makipagpulong sa kanyang manager na si Michael Koncz nitong Lunes at maglalabas ito ng pahayag tungkol sa kanyang susunod na laban. Ang promoter ni Pacquiao na si Bob Arum ay nauna nang nasabi sa international media na ang Filipino boxing icon ay makakasagupa sa boxing ring ang wala pang talo na Australian boxer na si Horn ngayong Abril at ang Queensland tourism minister ay nagsabi na rin na nakikipagnegosasyon na sila para magsilbing host ng laban. Nagposte naman ang 38-anyos na si Pacquiao sa kanyang mga social media account na siya ay lalaban sa Middle East at bagamat may indikasyon na posibleng si Horn ang kanyang makakalaban ay hindi pa rin maiaalis na kasama ang tatlong world-class boxers na sina Crawford, Khan at Brook. Lumabas sa mga ulat noong isang buwan na sina Pacquiao at Horn ang maghaharap subalit sinabi ng kaliweteng Pinoy boxer na wala pang kontrata na pinipirmahan. “We are still negotiating about that. Nothing is really final, the date, who is the opponent. There are a lot of offers from other countries,” sabi ni Pacquiao nitong nakaraang buwan. Pacquiao announced a brief retirement last year but made a successful comeback against Jessie Vargas in Las Vegas in November, saying he still felt like a youngster. The boxing hero initially said he was retiring to focus on his new role as Philippine senator after winning elections last year on the back of his sporting fame.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending