Piolo umamin: 5 taon na kaming nagde-date ni Shaina, exclusive! Bandera

Piolo umamin: 5 taon na kaming nagde-date ni Shaina, exclusive!

Ervin Santiago |February 14,2017
share this

Piolo umamin: 5 taon na kaming nagde-date ni Shaina, exclusive!

Ervin Santiago - February 14, 2017 - 12:05 AM
shaina magdayao at piolo pascual
LIMANG taon nang nagde-date sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao. Ito ang diretsong inamin ng Kapamilya leading man nang nakapanayam ng press sa Star Magic thanksgiving presscon last Sunday.
Ngunit ayaw munang lagyan ni Papa P ng label kung anumang meron sila ngayon ni Shaina.
“Mahirap i-label I guess. Whatever it is, I guess we just have to mutually respect everyone involved and not talk more about it.
“I’ve been with her five years na, exclusively dating, but I know and she knows that we don’t date out of what we have. Nandu’n kami,” sey ni Piolo na looking good and fresh pa rin as always nang ma-ambush interview ng media.
Dagdag pa ng aktor, hindi naman mahalaga kung ano ang label o status ng kanilang espesyal na samahan basta aniya, “Ours is something that we value, something that we treasure and we appreciate.”
Para naman kay Shaina, ayaw niyang madaliin ang mga bagay-bagay tungkol sa lovelife, feeling niya darating at darating ito kahit hindi niya hanapin. At gusto niya, ang magiging next boyfriend niya ay siya na ring magiging asawa niya in the future.
“I’m at a point in my life na I really value the word commitment kaya siguro I’m also taking my time para the next one that comes, whoever that person is, ‘yun na ‘yon. While waiting, let’s do more productive things like trabaho,” ayon kay Shaina na present din sa Star Magic thanksgiving presscon kung saan humataw ito ng sayawan with Rayver Cruz, Enchong Dee and Hashtags.
Nang tanungin kung na kay PJ na ba ang mga qualities na hinahanap niya sa isang lalaki, tugon ng dalaga, “He is a very good person. He’s been a good friend to me. Sa ganung aspeto, hindi ko pa siya masyadong kilala.
“Kasi for me, masyadong heavy ang husband. Hindi siya random thing lang. Pero kung ideal ba, mabait,” aniya pa.
Parehong magiging busy this year sina Shaina at Piolo, bibida ang dalaga sa bagong afternoon series ng ABS-CBN na The Better Half kasama sina Denise Laurel, Carlo Aquino at JC de Vera habang si Piolo naman ay may bagong pelikula kasama si Yen Santos, ang “Once In A Lifetime”. Bukod dito, iri-release na rin ang libro ng Kapamilya heartthrob.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending