Roque handa nang maghari sa Ronda Pilipinas | Bandera

Roque handa nang maghari sa Ronda Pilipinas

Angelito Oredo - February 07, 2017 - 12:09 AM

ANGELES CITY — Kabataan pa lamang ni Navy-Standard Insurance Rudy Roque noong sabihan ito ni two-time Tour champion Renato Dolosa na malaki ang potensiyal nitong maging isang cycling star.

Ngayon ay edad 25 na si Roque at pilit na papatunayan ang obserbasyon noon ng 1992 at 1995 Tour king.

Dahil walang pumapansin, nagawa ni Roque na ipamalas ang kanyang husay at ginulantang ang lahat sa pagtala ng pares ng ikalawang puwesto na pagtatapos sa karera sa Ilocos upang hablutin ang solong overall individual lead sa LBC Ronda Pilipinas 2017 na naglagay dito sa pangunahing puwesto para sa posibleng pinakamalaking panalo sa kanyang career.

At nagpapasalamat si Roque patungkol kay Dolosa sa pagbibigay dito ng inspirasyon na abutin ang pangarap.

“Sinabihan niya ako noon na makikilala rin ako pagdating ng panahon sa cycling. Siya ang nagbukas ng pangarap ko,” sabi ni Roque patungkol kay Dolosa, na dumayo sa bulubunduking barangay ng Tibo, Bataan upang himukin ang dating teenager upang sumali sa kanyang binuo na American Vinyl-LPGMA team sa unang edisyon ng Ronda.

Simula dito ay nagpatuloy na si Roque sa pagiging mahusay na siklista na nagawa pa na tumapos sa impresibong ikasiyam na puwesto sa unang yugto ng taunang karera at madalas na nasa top 20 sa nakalipas na edisyon.

Matapos ang dalawang yugto, natagpuan ni Roque ang sarili sa itaas na puwesto na bitbit ang kabuuang limang oras, tatlong minuto at tatlong segundo upang pangunahan ang kakampi sa Navy na sina Ronald Lomotos at Archie Cardana, na nasa ikalawa at ikatlo na may 5:03:23 at 5:03:31 oras.

Mahigit itong limang minuto na abante sa kinukunsiderang “Big Guns” sa pangunguna ng nakaraang taon na kampeon at kapwa Navyman na si Jan Paul Morales, na nasa ika-17 sa 5:08:11 oras at Kinetix Lab-Army na si Cris Joven, na nasa ika-18 sa 5:08:18 tiyempo.

Gayunman, agad inamin ni Roque na ang susunod na tatlong yugto, na lahat ay akyatin, ang magdedetermina kung kaya niya o hindi iuwi ang korona.

Ito ay ang 137-km Angeles-Subic Stage Three sa Miyerkules at ang 111-km Subic-Subic Stage Four sa sunod na araw na kapwa iikot sa mga kabundukan kung saan matatagpuan ang Bataan Nuclear Power Plant.
Ang Lucena-Pili Stage Five sa Linggo ang pinakamahabang yugto sa karera ngayong taon na aabot sa kabuuang 251 kilometro na dadaan sa kinatatakutang Tatlong Eme sa Atimonan, Quezon.
“Kapag ako pa rin ang nasa unahan matapos ang tatlung yugto na iyon, masasabi ko na malaki na ang tsansa ko na magwagi ngayong taon,” sabi ni Roque, na anak ng dating Marlboro Tour veteran na si Manolito Roque noong panahon ni Jose Sumalde na miyembro ng Olongapo City kasama si Manuel “Maui” Reynante.

Naghahamon dito si Jaybop Pagnanawon, na nakatuon na mapanalunan ang pinakamalaking cycling race sa bansa at maipagmalaki ng kanyang ama na si 1986 Tour champion Rolando, matapos na tumalon mula sa No. 7 tungo sa No. 5 sa 5:06:44 habang ang isa pang binatilyo na si Jay Lampawog, na mula sa Navy, ay nasa No. 6 sa 5:06:56.

Nasa Top 10 sina Ilocos Sur Ryan Serapio (5:06:57), Go for Gold Jonel Carcueva (5:07:00), Roel Quitoy (5:07:01) at Go for Gold  Orlie Villanueva (5:07:07).

Patuloy ang dominasyon ng Navy sa Team Classification sa natipong kabuuang oras na 20:17:32, na siyam na minutong malayo sa nasa ikalawang Go for Gold (20:26:49) at Kinetix Lab – Army (20:30:49).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakataya sa 14-Stage na pinakamahabang karera sa bansa ang kabuuang P1 milyon para sa kampeon mula sa presentor na LBC at sa pakikipagpareha sa MVP Sports Foundation, Petron, Mitsubishi, Versa.ph, Partas, Maynilad, Standard Insurance, CCN, Bike Xtreme, NLEX, PhilCycling at 3Q Sports Event Management.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending