Tatandang dalaga na lang ba habang buhay?
Sulat mula kay Ma Lyn ng Sta. ng Cruz, Calape, Bohol
Dear Sir Greenfield,
Hindi ko akalaing aabot ako sa edad 45 ng hindi na uli nagka-boyfriend at parang malabo na ring makapag-aasawa. Naalala ko tuloy noong panahon ng aking kasibulan marami naman akong manliligaw at nagka-boyfriend nga ako ng isang pero hindi na iyon nasundan pa. Hanggang sa nalibang na nga ako sa pagtuturo, isa kasi akong public school teacher at masasabing tuluyan ng na in love sa mga bata na tinuturuan ko kaya nagsipag-asawa na halos lahat ng co-teacher ko at mga pinsan ko ako ay naiwan pa ring dalaga at nag-iisa. Itatanong ko lang kung sa inyong palagay ay makapag-aasawa pa kaya ako, magkaka-anak at magkakaroon ng isang masaya at pang habang buhay na pamilya? Kung makapag-aasawa pa ako, saan ko naman makikita ang lalaking laan sa akin ng kapalaran at kailan kaya pagtatagpuin ang aming mga landas?
Umaasa,
Ma. Lyn ng Calape, Bohol
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Bagamat bahagyang tuminga, kapansin-pansing nagpatuloy na dumiretso at natuwid ang napadulo o huli ng tumubo na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na kahit 45 na ang iyong edad, may awa ang Diyos sa takdang panahong inilaan ng kapalaran – makapag-aasawa ka at magkakaroon ng isang simple pero masayang pamilya.
Cartomancy:
King of Hearts, Five of Hearts at Seven of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa taon ding ito ng 2017 sa buwan ng Mayo may isang lalaking darating na halos kasing edad mo rin, magkakahulugan agad kayo ng loob hanggaang sa maging magkaibigan at sa bandang huli ay matututo na kayong mag-deyt kung saang-saang lugar.
Itutuloy…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.