Malditang female star nag-inarte sa fiesta, dinedma ng audience nang umakyat sa stage
DUMATING nu’ng minsan sa isang fiesta ang inimbita nilang female personality na hindi pa naman masyadong sikat pero kung makaasta ay parang nasa ituktok na ng popularidad.
Pagdating ng babaeng personalidad ay itinuro ng miyembro ng komite kung saang lugar muna siya magpapahi-nga bago magsimula ang show. Hindi ang aktres ang nakikipag-u-sap, ang kanyang PA ang kausap ng tagaroon, tulog daw kasi ang female personality.
Nu’ng makarating sila sa bahay na pagpapahingahan muna ng female personality ay sinabi ng PA na huwag na lang daw, sa van na lang muna sila habang hindi pa nag-uumpisa ang show, ‘yun ang kuda ng PA.
Nagtataka siyempre ang nag-aasikaso sa grupo, kung tulog nga ang female personality, paano nakapagdedesisyon ang PA nang hindi nagmumula sa kanya?
Kuwento ng aming source, “Maayos naman ang house, pinakiusapan nga lang ng committee ang owner para du’n muna magpahinga at kumain si ____ (pangalan ng aktres) at ang grupo niya.
“Mayamang family sa lugar na ‘yun ang may-ari ng house, hindi nga lang sila nagpapabongga, kaya parang hindi fabulous ang house nila. Simple lang ang pamilya, pero super-yaman!
“Hindi talaga siya bumaba, sa van na lang sila dinalhan ng food, wala siyang pakialam kung na-offend man ang owner ng house. Wala rin siyang pakialam sa mga tagaroon na gusto sana siyang makita nang personal,” simulang kuwento ng aming impormante.
Probinsiya ‘yun, mabilis kumalat ang balita, kaya nakatikim ng hindi kagandahan ang female personality nu’ng tawagin na ang pangalan niya sa stage.
“Naku, kasinglamig ng snow ang tinanggap niya, hindi siya pinalakpakan, walang mga sigawan. Kumalat kasi agad ang kuwento ng kamalditahan niya. E, maliit lang naman ang place, kaya naiinis sa kanya ang mga nandu’n!
“Hindi naman siya magaling mag-perform, hindi pa rin naman siya sikat. Ano ba ang dahilan para siya mapag-usapan, di ba, ang boyfriend lang naman niya? Sangkatutak nga ang bashers niya, di ba?
“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, papuntahin n’yo ang babaeng ‘yan sa isang lugar na malapit sa Malacañang at mag-rally siyang mag-isa du’n!” nakairap pang pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.