18 sugatan matapos araruin ng kotse ang mga naglalakad sa Quezon | Bandera

18 sugatan matapos araruin ng kotse ang mga naglalakad sa Quezon

- February 05, 2017 - 04:15 PM

quezon

SUGATAN ang 18 katao, kabilang na ang isang estudyante na nasa Intensive Casre Unit (ICU) matapos araruin ng isang kotse ang mga naglalakad sa Lucban, Quezon.
Minamaneobra ng driver na si Roger Peñaflor ang kotse sa isang parking area sa Saint Louis the Bishop church compound matapos rentahan bilang bridal car nang ito ay magluko, ayon kay Police Officer 2 Marvin Montes.
Umandar ito ng 300 metro kung saan inararo ng kotse ang mga biktimang naglalakad sa kahabaan ng San Luis st., at tinamaan at pininsala ang maraming nakaparadang kotse.
Naghihintay lamang ang isa sa mga biktimang si Jessica Flores, 16, sa kanyang mga kaklase sa labas ng simbahan nang bigla siyang banggain ng kotse, dahilan para siya magtamo ng mga sugat sa ulo at ngayon ay nasa ICU ong Mount Carmel Hospital sa Lucena City, ayon sa lola ng biktima na si Gloria Flores.
Kinilala naman ang iba pang mga biktima na sina Rey Mark Reyes, 12; Novalyn Keith de Asis, 19; Christina de Asis, 45; Romano Ibardelosa, 49; Rey Reyes, 35; Vickson Briagas, 32; Robin Reyes, 23; Mark Apuada, 21; Marion Joyce Villaverde, 18; Romeo Elpa, 59; Rico Ortañes, 57; Oliver Amador, 34; Jose Joel Obat, 48; Ernald Gahuman, 29; Ildefonzo Absulio, 54; Eubert Lucmong, 21; at Merlo Cerbantes, 27.
Nag-viral naman ang pangyayari matapos makuhaan ng isang minutong video ng isang close circuit television (CCTV) at i-post sa Facebook kung saan umabot na sa 1.1 milyon ang views ant na-share ng 6,000 beses.
Ipinost ang video ng isang John Patrick Rañeses, ilang oras matapos ang aksidente.
Itinanggi naman ni Chief Insp. Alejandro Onquit, Lucban police chief, ang mga malisyosong ulat na kumalat sa Facebook na may namatay na sa aksidente.
Dinala ang mga biktima sa isang lokal na ospital sa Lucban para magamot, samantalang inilipat ang dalawang nagtamo ng matinding pinsala sa dalawang ospital sa Lucena City.
Nakakulong naman ang suspek sa Lucban police jail. Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya kaugnay ng aksidente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending