Lomotos naghari sa Stage 1 ng Ronda Pilipinas 2017 | Bandera

Lomotos naghari sa Stage 1 ng Ronda Pilipinas 2017

Angelito Oredo - February 04, 2017 - 11:00 PM

VIGAN, Ilocos Sur – Agad nagpadama ng matinding pagnanais sa muling dominasyon ang Philippine Navy-Standard Insurance matapos na walisin nito ang halos lahat ng nakatayang kategorya kabilang ang Stage One ng 2017 LBC Ronda Pilipinas na nagsimula at nagtapos dito sa Provincial Capitol Grounds.

Magkakasabay na dumating ang tatlong Navymen na sina Ronald Lomotos, Rudy Roque at Archie Cardana para walisin ang tatlong pinaglalabanang puwesto sa pagtahak nito sa kabuuang 158 kilometrong karera sa pagtawid sa finish line sa kabuuang tiyempo na 3 oras, 51 minuto at 47 segundo.

Unang tumawid sa finish line ang 22-anyos mula San Felipe, Zambales na si Lomotos upang maiuwi ang P15,000 premyo bagaman isusuot ng kakampi nitong si Roque ang prestihiyosong red jersey na simbolo ng pagkapit nito sa pinakaaasam ng kabuuang 94 siklista na overall leadership sa general classification.

Ito ay dahil nakabawas kay Roque sa kanyang oras ang nakuha nitong puntos sa pagiging Sprint King matapos na matipon ang nakatayang 10 puntos sa itinakdang lugar sa intermediate sprint at pati sa pagpuwesto bilang ikalawa sa yugto na limang puntos. Hawak ni Roque ang kabuuang 3:51:32 oras sa overall standings.

Isusuot na lamang ni Lomotos ang blue jersey na dapat kay Roque bilang simbolo ng Sprint King habang isusuot ni Cardana ang yellow jersey na simbolo ng pagiging overall best young rider. Ang white jersey ay isusuot naman ng defending champion na si Jan Paul Morales. Mayroon si Lomotos na kabuuang 3:51:35 oras sa overall standings.

“Bantay sarado po kasi si Jan Paul kaya Plan B po kami na kahit na sino sa amin ang kukuha sa Stage,” sabi ni Lomotos, na itinala ang kanyang pinakaunang pagwawagi sa isang lap sapul makasali sa karera taong 2014.

Tumapos lamang si Morales sa ika-22 puwesto habang ang Navy Team captain na si Lloyd Lucien Reynante, na nagtamo ng mga sugat at gasgas matapos sumemplang sa pag-iwas nito sa isang photographer, ay nasa ika-30 puwesto na may limang minuto na malayo sa tatlong miyembro nitong sina Lomotos, Roque at Cardana.

Pumang-apat naman si Ismael Grospe Jr. ng Go for Gold sa 3:53:34 habang ikalima si Richard Nebres ng RC Cola-NCR sa isinumiteng 3:54:52. Ikaanim hanggang ikalawo sina Jay Lampawog ng Navy, Jaybop Pagnanawon ng Bike Xtreme at Jonel Carcueva ng Go for Gold sa parehas na 3:55:00 oras.

Ikasiyam si Ryan Serapio ng Team Ilocos Sur sa 3:55:03s at ikasampu si Orlie Villanueva ng Go for Gold sa 3:55.07.

Nanguna sa Stage Team Classification ang Navy sa kabuuang oras na 11:35:21 kasunod ang Go for Gold na may 11:46:43 at ikatlo ang Team Ilocos Sur na may kabuuang 11:46:47 oras.

Ang Top 10 Overall Best Young riders ay binubuo nina Cardana ng Navy (3:51:44), Ismael Grospe ng G4G (3:53:31), Jay Lampawog ng Navy (3:54:59), Jonel Carcueva ng G4G (3:55:00), Ryan Serapio ng TIS (3:55:03), Joshua Mari Bonifacio ng G4G (3:55:15), Daniel Ven Carino ng Navy (3:55:17), Lord Anthony Del Rosario ng Army (3:56:43), Ranlen Maglantay ng Team Mindanao (3:57:27) at Alvin Mandi ng Bike Xtreme (3:57:57).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending