NCAA women’s volley finals asam ng Arellano
Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Center)
10 a.m. UPHSD vs EAC (jrs stepladder semis)
1:30 p.m. CSB vs UPHSD (men’s finals)
3:30 p.m. AU vs CSB (women’s stepladder)
TATANGKAIN ng Arellano University na agad masungkit ang ikalawang silya sa finals sa pagsagupa nito sa defending champion College of St. Benilde ngayong alas-3 ng hapon sa women’s division ng 92nd NCAA volleyball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.
Bitbit ang twice-to-beat na bentahe matapos na okupahan ang ikalawang puwesto sa pagtatapos ng eliminasyon, isang panalo lamang ang kailangan ng Lady Chiefs para makasagupa sa finals ang nag-aabang na San Sebastian College.
Matatandaan na winalis ng San Sebastian ang lahat ng kanilang laban sa elims para agad na makapasok sa finals kung saan may thrice-to-beat incentive pa ito.
Dumaan naman sa stepladder semis ang sumunod na tatlong koponan sa standings.
Binigo ng Lady Blazers ang San Beda Lady Red Spikers, 25-22, 25-20, 25-15, noong Martes para manatiling buhay ang tsansang maipagtanggol ang kanilang korona.
Ngayon ay haharapin ng St. Benilde ang koponang tinalo nila sa stepladder semis noong isang taon.
“We all know they beat us in the stepladder semis last year and we need to really play harder to prevent it from happening again this year,” sabi ni Javier, na nakatuon na maibalik sa kampeonato ang kanyang koponan matapos iuwi ang korona dalawang taon na ang nakalipas.
Nanalo ang Arellano sa St. Benilde, 25-21, 25-21, 25-21, sa kanilang unang paghaharap noong Enero 11 sa elims pero ayon kay Lady Chiefs coach Obet Javier, kailangan pa nilang maglaro ng mas maigi na mas kailangan nila na maglaro ng maganda sa unang paghaharap upang muling mapalasap ng kabiguan ang Lady Blazers.
Optimistiko naman si St. Benilde mentor Macky Carino na kaya nitong muling lampasan ang matinding balakid para sa ikalawang sunod nitong korona.
“We’re in a familiar place like last year and I’m optimistic we can come through,” sabi ni Carino, na una nang binitbit ang kanyang koponan mula sa pagiging No. 4 tungo sa paghugot sa korona noong nakaraang taon.
Sisimulan naman sa men’s division ang salpukan ng defending champion Perpetual Help at St. Benilde sa kanilang sariling best-of-three title sa ganap na ala-1:30 ng hapon.
Sa aksyon sa juniors ay magsasagupa muli ang reigning titlist University of Perpetual Help at Emilio Aguinaldo College sa huling pagkakataon ganap na alas-10 ng umaga kung saan ang magwawagi ay makakatapat ang sa finals ang Lyceum of the Philippines University na winalis ang eliminasyon upang tumuntong sa finals.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.