4 NBI execs sinibak matapos masangkot sa Korean kidnap-slay | Bandera

4 NBI execs sinibak matapos masangkot sa Korean kidnap-slay

- February 02, 2017 - 03:52 PM
korean SINIBAK ni National Bureau of Investigation Director Dante Gierran ang apat sa kanyang mga opisyal bilang bahagi ng imbestigasyon matapos ang ulat na sangkot din ang mga miyembro ng NBI sa pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo.Kabilang sa mga tinanggal ay sina  Deputy Director for Investigation Services Atty. Jose “Jojo” Yap; National Capital Region (NCR) Director Ricardo Diaz, na babalik sa kanyang mother unit; Regional Operations Service, Head Agent Darwin Lising, na itinalaga sa Bicol at Atty. Roel Bolivar, head ng Task Force against Illegal Drugs.

Papalit si Atty. Jonathan Galicia sa posisyon ni Bolivar.

Ginawa ang pagbalasa matapos ang akusasyon ni Superintendent Rafael Dumlao III na kasabwat ang mga tao ni Diaz sa pagdukot kay Jee.

Naunang inakusahan si Dumlao na siyang utak sa pagdukot at pagpatay kay Jee, base sa testimonya ng kapwa
opisyal na si  police officer Senior Police Officer 4 Roy Villegas at NBI striker Jerry Omlang.

Nakipagpulong sina Gierran at PNP chief Director General Ronald Dela Rosa sa opisina ni Sen. Panfilo Lacson.

Nagkasundo ang dalawa na magsagawa ng pinagsamang imbestigasyon kaugnay ng pagpatay kay Jee.

Pamumunuan ni Senior Supt. Glenn Dumlao, head ng Anti-Kidnapping Group ang kinatawan ng PNP, samantalang si Assistant Director Atty. Medardo Delemos ang mamumuno sa grupo ng NBI.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending