AMA Online Education Titans, Tanduay Rhum Masters magtutuos | Bandera

AMA Online Education Titans, Tanduay Rhum Masters magtutuos

Angelito Oredo - February 02, 2017 - 12:08 AM

Mga Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena)
3 p.m. Cignal vs Wangs
5 p.m. AMA vs Tanduay
Team Standings: Racal (2-0); JRU (2-0); AMA (2-1); Cignal (1-1); Café France (1-1); Tanduay (1-1); Wangs (1-1); Batangas (1-2); Victoria (0-2); Blustar (0-2)

NGAYON pa lamang ay nagpapakita na ang AMA Online Education na kaya nitong makipagkumpetensiya sa mga mas beteranong koponan.

Kaya naman hindi ito binabalewala ng Tanduay sa kanilang pagsasagupa ngayon sa 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City kaya asam ng Rhum Masters agad turuan ng leksiyon ang Titans.

“They’re on a high right now and they got the best player in the league. Kailangan paghandaan namin ‘yan,” sabi ni Tanduay coach Lawrence Chongson patungkol kay Titans star Jeron Teng, na nag-aaverage ng league-best 27.0 puntos kada laro.

Sariwa pa ang Tanduay sa una nitong panalo sa liga, ang 94-81 pagwawagi kontra Wangs Basketball noong Lunes, kaya naman matindi ang pagnanais nitong makamit ang back-to-back na pagwawagi sa tulong ni Mark Cruz.

Gayunman, matindi ang motibasyon ng AMA na umahon mula sa nalasap na 78-73 kabiguan sa Racal.

Nakatakda ang laban alas-5 ng hapon kasunod sa sagupaan ng Cignal-San Beda at Wangs Basketball sa ganap na  alas-3 ng hapon.

Hindi pa rin lubhang nagkukumpiyansa ang Hawkeyes na kinukunsidera bilang isa sa hahamon sa titulo matapos nitong itala ang 88-74 panalo sa Cafe France Bakers noong Lunes.

Aminado si Cignal-San Beda coach Boyet Fernandez na kulang pa ang kanyang koponan sa ekspiriyensa at umaasa na ang mga beterano nito ang magiging sandigan ng koponan para tulungan ang mga batang miyembro nito.

“Our guys are young and are coming off college, so the leadership and experience of our veterans like Byron Villarias will definitely help us,” sabi ni Fernandez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending