Mag-iina minasaker sa Negros Oriental; 3 patay, 1 sugatan | Bandera

Mag-iina minasaker sa Negros Oriental; 3 patay, 1 sugatan

John Roson |May 31,2013
facebook
share this

Mag-iina minasaker sa Negros Oriental; 3 patay, 1 sugatan

John Roson - May 31, 2013 - 10:06 AM

NASAWI ang isang 22-anyos na ginang at dalawa niyang anak, habang sugatan ang isa pang supling, nang pagtatagain at pagsasaksakin ng di pa kilalang salarin sa loob ng kanilang bahay sa Tayasan, Negros Oriental, Huwebes ng gabi. Agad ikinasawi ng ginang na si Mergie Eslao ang 16 taga at saksak sa iba-ibang bahagi ng katawan, sabi sa Bandera ni Senior Insp. Rick Rivera, hepe ng Tayasan Police. Ikinasawi ng panganay ni Mergie na si Sid Wilfred, 6, ang mga saksak sa dibdib at balikat, at taga sa kanang bahagi ng likod, habang ang sumunod dito na si Larabelle, 5, ay namatay dahil sa malaking hiwa sa tiyan, ani Rivera. Nagtamo rin ng saksak sa tiyan ang bunsong si Annabel, 2, ngunit naagapan ito ng mga rumespondeng tanod at ngayo’y nagpapagaling sa isang pagamutan sa Dumaguete City. Naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa bahay ng mga Eslao sa Brgy. Tambulan.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending