Relasyon nina Liza at Enrique totoong-totoo; walang arte | Bandera

Relasyon nina Liza at Enrique totoong-totoo; walang arte

Ambet Nabus - January 28, 2017 - 12:15 AM

LIZA SOBERANO AT ENRIQUE GIL

LIZA SOBERANO AT ENRIQUE GIL

Ay, grabeng nakakakilig ang trailer ng latest film ng Star Cinema na “My Ex and Whys” starring Liza Soberano and Enrique Gil.

Ibang level ang team up at mukhang may mga pasabog silang eksena na tiyak na kakikiligan at ikaka-shock nating lahat!

Wala talagang tatalo sa ganda ni Liza. Ibang klase ang aura. Ang lakas lakas ng karisma on screen lalo na kapag kaeksena na niya si Quen.

Mas glowing sila ngayon at totoong-totoo! No doubt, marami nga ang naiinggit sa tandem nila dahil sa totoo lang naman, perfect na sila para sa isa’t isa.

We can’t wait to watch the movie come February. Ito nga ang magsisilbing Valentine presentation ng Star Cinema na tiyak na hahakot na naman ng milyones sa takilya.

Si tugang mareng direk Cathy Garcia Molina ba naman ang direktor nito, noh!

Agree rin kami kay Enrique sa pang-eengganyo nito na sumali sa beauty contest si Liza. Quen said this after nga nitong masaksihan ang isang Miss Universe event at makita ang mga beauties from all over the world.

At bilang proud na BF (we believe na matagal nang sila), alam niyang hindi magpapatalo sa ganda at talino si Liza kung ganda at talino lang ang pag-uusapan. And we all agree!

Pasadong-pasado nga ang world class appeal ni Liza bilang isang beauty queen at no less than a Miss Universe title is what she deserves.

Sana nga ay ire-consider pa rin ng mahal naming si Liza ang pag-join sa Binibining Pilipinas at maging representtaive ng bansa sa Miss U in the near future. Nagsabi na kasi siya na wala talaga sa plano niya ang maging beauty queen.

Pero sabi nga namin, sayang na sayang ang opportunity at chance. With proper training and probably konti pang pagtaas sa height, sure winner ka na, anak!

O, di ba bago yun sa showbiz industry, na isang sikat ng aktres ang rarampa sa Miss U? During the time kasi noon ni Ruffa Gutierrez, hindi pa rin ito gaano ka-established as an actress when she became Miss World Second Princess.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mas madalas kasi, nananalo munang beauty queen bago sumikat sa showbiz. Sa kaso in Liza, sikat na sikat na siya kaya mas “in” at havey kung magiging Miss Universe pa siya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending