Nagsama-sama ang mga miyembro ng Liberal Party pero hindi umano upang pabagsakin ang Duterte government.
Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman nagsama-sama ang miyembro ng LP sa ika-71 anibersaryo nito.
“There was no conspiracy. Although as far as the President is concern there was suspected conspirators in the group. Definitely there’s no conspiracy,” ani Lagman. “It was well-attended social gathering and nothing significant politically has been talked about.”
Ginanap ang pagdiriwang sa isang restaurant sa Morato, Quezon City noong Huwebes. Dumalo doon si dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III, Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan.
“The message (ni Aquino) is purely thanking those who came, and there were many attending the anniversary and that the unity of the party is appreciated. More than that, it was purely a social event,” dagdag pa ni Lagman.
Mahigit sa 200 miyembro ng LP umano ang dumalo sa pagtitipon, ani Lagman upang pasinungalingan na kasya na ang mga miyembro ng kanilang partido sa isang volkswagen.
Sinabi ni Lagman na maaaring magpulong muli ang LP upang pag-usapan ang kanilang magiging posisyon sa isyu ng death penalty, charter change at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.