Gen. Bato, hoy gising! | Bandera

Gen. Bato, hoy gising!

Jake Maderazo - January 23, 2017 - 12:05 AM

“KAYONG mga kotong, abusado, tamad at sindikatong pulis, bilang na ang mga araw niyo,” sabi ni PNP Chief Gen. Ronald dela Rosa nang manumpa siya sa Camp Crame noong July 1, 2016.
Isa ako sa maraming bumilib kahit 207 araw na ang nakakalipas. Pero nitong October 18, 2016, pinatay ng mga pulis sa loob ng Crame ang Koreanong si Jee-Ick Joo, ilang metro mula sa tinitirahang White House ni Bato.
Sa ngayon, nagtuturuan sila. Sabi ni Bato at PNP, si SPO3 Ricky Sta. Isabel ang mastermind at pumatay sa Koreano.
“Fall guy” lang ako sagot ni Sta. Isabel sa NBI. May ebidensyang “recording daw si misis” na magpapatunay na pinapaamin siya ng “superiors” sa PNP na si Sir Dumlao at pinapapatay ang mga kapwa pulis.
Sa ngayon, nakakulong na sa PNP si Sta. I-sabel, pero may nakatakdang imbestigasyon ang Senado para malaman ang puno’t dulo nito.
Kung tutuusin, halos 110 days lang lumipas nang mangako si Gen. Bato at eto nga, pinatay sa loob ng Crame ang Koreano malapit pa sa kanyang White House.
Ang mabigat, na-ngangamoy “conspiracy” ang scenario; “napatu-ngan” at “nabura” ang mga CCTV sa paligid kahit kulang pa sa six months ang mga storage ng video. O baka naman sinadya talagang burahin?
Malakas ang panawagan ni Speaker Pantaleon Alvarez na mag-resign si Bato para hindi na mapahiya pang lalo si Pa-ngulong Duterte. Masa-kit din ang mga puna na ang Camp Crame ngayon ay tinatawag nang “Camp Crime”.
Trending din ang mga extra-curricular activities ni Bato tulad nang panonood niya ng concert ni Bryan Adams, ang movie premiere ng Across the Crescent moon ni Matteo Giudicelli, at ang naunang panlilibre sa kanya at buong pamilya ni Sen. Manny Pacquiao sa laban nito sa Las Vegas.
Maraming kwestyon ngayon ang sumisira sa kanyang kredibilidad bilang top cop. Kung minsan, naiisip kong mas maraming PR ang ginagawa ni Bato kaysa trabaho.
Para bang gusto na yatang kumandidatong senador o mag-presidente sa mga susunod na halalan.
Nakakahiya ang pangyayaring ito sa loob mismo ng Camp Crame, pinatay ang isang dayuhang negosyante at mga pulis ang pumatay, gamit ang kampanyang “tokhang”.
Dapat bang mag-resign si Bato? Sino ang papalit sa kanya na pagtitiwalaan nang husto ni Presidente? Totoong malaki ang nagawa ni Bato sa paglilinis ng illegal drugs at pagbaba ng “index crimes” sa buong bansa.
Pero, sa isyu ng mga tinawag niyang kotong, abusadong, tamad at sindikatong pulis, tila walang nangyayari. Hindi lang siya mabagal kumilos sa mga reklamo, kundi tuloy tuloy pa rin at hindi nababawasan ang mga ilegal na aktibidad ng mga tiwaling pulis tulad ng kidnapping ng mga dayuhan, “kotong” sa lansangan na inirereklamo ng mga jeepney drivers at biyahero pati na jueteng.
Sa madaling salita, puro dakdak at porma lang si Bato kapag pagdidisiplina sa kapwa pulis ang isyu. Walang internal cleansing na nangyayari kundi kampihan ng mga pulis sa katiwalian.
Nasaan na ang mga narco generals? Narco cops? Ninja cops? May nakakulong na ba? Gen. Bato, HOY GISING!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending