Nagdadalawang-isip na ang isang kongresista na ituloy pa ang pagsuporta sa panukalang pagbabalik ng death penalty kahit isa siya sa mga may-akda nito.
Sinabi ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na naghain siya ng panukala na ibalik ang parusang bitay bilang bahagi ng kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot.
“However, with the inclusion of other crimes in the version of the bill being considered now for final approval by Congress, I have resolved to vote against the measure unless amendments to limit its coverage to drug trafficking are adopted,” ani Biazon.
Ayon kay Biazon, ang kongresista na nakakasakop sa New Bilibid Prison, nakasalamuha niya ang ilang bilanggo at nasaksihan ang pagbabago ng mga kriminal.
Pero lumabas din umano sa imbestigasyon na mayroong mga kriminal na naipagpapatuloy ang operasyon ng ipinagbabawal na gamot kahit na nakakulong na.
“They have even used the security of prison to safely and comfortably ply their trade, corrupting the very system that is supposed to reform them.”
Hindi rin umano maitatanggi na ang ipinagbabawal na gamot ay nakadaragdag sa mga karumal-dumal na krimen gaya ng pagpatay at panggagahasa. “Therefore it can be said that the root of some of those crimes committed are the drug traffickers.”
“I believe in second chances for people who have gone wayward, but to those who profit from the destruction of lives, they have forfeited their second chance. That is why my push for death penalty is confined to those who peddle death,” saad ng solon.
Sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na aaprubahan ng Kamara de Representantes ang pagbabalik ng parusang kamatayan bago ang susunod na State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.