Napatay ang isang barangay kagawad na sangkot umano sa bentahan ng iligal na droga, nang makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust operation sa Ligao City, Albay, Miyerkules ng gabi.
Nasawi si Gary Encinas, residente at kagawad ng Brgy. Tinampo, na number 6 sa drug watchlist ng pulisya sa lungsod, ayon sa ulat ng Albay provincial police.
Una dito, nagsagawa ng buy-bust ang iba-ibang unit ng pulisya laban kay Encinas sa Brgy. Tinampo alas-7:40.
Dati na umanong sumuko sa mga awtoridad ang kagawad sa giyera kontra droga ng pamahalaan.
Pero nang dadakpin na sa buy-bust Miyerkules ay sinubukan umano ni Encinas na barilin ang pulis na dadampot sa kanya, kaya siya pinaputukan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending