Alyssa di pa sure sa PH volleyball team | Bandera

Alyssa di pa sure sa PH volleyball team

Angelito Oredo - January 18, 2017 - 12:05 AM

Alyssa

HINDI man matatawaran ang kanyang pagmamahal para sa bayan at husay sa paglalaro ng volleyball ay may posibilidad pa ring hindi makapaglaro para sa pambansang koponan ang UAAP volleyball star na si Alyssa Valdez.

“Even if she was able to join the must tryout three times, she is still not sure for a seat in the national team,” sabi ni national women’s team coach Francis Vicente sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) na isinagawa sa POC-PSC Media Center kahapon.
“Paano kapag may nadiskubre o nakuhang mas mataas na player o iyung 6’5 na kaagaw niya sa puwesto eh di siyempre, mamimili ka na ngayon.”
Kasalukuyang bumubuo ng koponan ang Larong Volleyball ng Pilipinas Incorporated (LVPI) para sa 29th Southeast Asian Games na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto.
Kapwa umaasa sina Vicente at men’s team coach men’s coach na si Sammy Acaylar na makapagbubuo sila ng malakas na koponan sa unang linggo ng Pebrero matapos ang isasagawa nitong tatlong araw na tryout sa Enero, 20, 29 at 31 para sa mga manlalaro na nasa Maynila. Nakatakda ring magsagawa ng tryout sa Cebu at Davao.
“Gusto talaga namin sa bubuuing koponan ay walang star, walang sinasabing superstar. Gusto namin ay iyung player na buong-buo ang commitment para sa bayan,” sabi ni Vicente.
Napag-alaman na nakipagpulong si Valdez sa mga opisyales ng PVPI hinggil sa kanyang matinding pagnanais na maging miyembro ng pambansang koponan ilang araw matapos italaga ang dalawang coaches.

Ayon sa coaches, nararapat din na tapusin muna ni Valdez ang kanyang kontrata sa isang koponan sa Thailand bago ito makapagsimula na makasama at makapag-ensayo sa pambansang koponan. —Angelito Oredo

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending