Baby Zia lucky charm nina Dingdong at Marian | Bandera

Baby Zia lucky charm nina Dingdong at Marian

|January 17,2017
facebook
share this

Baby Zia lucky charm nina Dingdong at Marian

- January 17, 2017 - 12:05 AM

dingdong marian at zia dantes

PATULOY pa ring namamayagpag sa ratings game ang GMA Telebabad series ni Dingdong Dantes na Alyas Robin Hood. At isa sa mga itinuturing na lucky charm ng Kapuso Primetime King ay ang anak nila ni Marian Rivera na si Baby Zia.

In fairness, talaga namang inuulan ng swerte ngayon ang Kapuso royal couple, bukod kasi sa tagumpay ng Alyas Robin Hood ay hindi pa rin natitinag sa timeslot nito ang Sunday variety show ni Marian sa GMA na Sunday PinaSaya na hataw din sa rating.

Anyway, sa pagpapatuloy ng Alyas Robin Hood, iiwasan ni Pepe (Dingdong) ang first attack ni Venus (Andrea Torres). She prepares to hit Pepe’s head with the samurai but Pepe catches Venus’ arm with both hands.

Pipigilan niya si Venus. Mabibitiwan ng dalaga ang samurai. Bago niya ito mahawakan ulit, Pepe is on her, pinning her down to the floor pero makakahanap ng tiyempo si Venus at madadaplisan ang braso ni Pepe.

Para malihis ang pag-iisip ni Venus sa plano niyang pagpatay kay Pepe, tatawagin ito ni Frida at babatuhin ng bottled water. Walang ano-ano’y bibitiwan ni Venus ang samurai at sasaluhin ang tubig.

Didiretso si Pepe sa kusina para gamutin ang sugat. Hindi makapaniwala si Pepe sa nangyayari kay Venus.

Kasabay nito, mahuhuli ni Judy (Jaclyn Jose) sina Betchay (Pauline Mendoza) at Lizzy (Lindsay de Vera) na pinag-uusapan ang natanggap ni Betchay na text message kay Julian (Dave Bornea), nagtatanong kung nasaan siya. Papagalitan sila ni Judy dahil baka mamaya raw ay si Maggie (Cherie Gil) ang nag-text sa kanila gamit ang phone ni Julian. Hindi na makokontak ni Julian si Betchay.

Kakausapin ni Frida si Pepe. Sasabihin ni Frida ang mga pagbabago kay Venus at ang pagkakabulgar ng tunay na katauhan ni Pepe kay Sarri (Megan Young). Magugulat si Pepe sa balitang ito ni Frida. Ngayong alam na raw ni Sarri ang totoo, may pipigil pa raw ba kay Pepe na puntahan ito? Paano naman daw si Venus?

Mamasdan ni Pepe si Venus habang natutulog ito. Ilang sandali pa, mananaginip si Venus, tatawagin ang pangalan ni Pepe. Hahawakan ni Pepe si Venus at saka hahalikan. Aamin si Pepe na mahal niya ang babae habang tulog ito. Hindi niya raw inasahang mamahalin niya ang babae kaya hindi niya ito agad nasabi. Aalamin daw niya ang nangyari dito.

Kasabay nito, hilong-hilo na sina Maggie at Dean (Sid Lucero) kung paano lulusutan ang nalalapit na pagbagsak ni Maggie. Binalita kasi ni Cha (Ces Quesada) na kumukonsulta na sina Romulo (Toby Alejar) at Daniel (Paolo Contis) sa isang abogado.

Pupuntahan ni Pepe si Sarri sa ospital. Nang lingunin siya ng babae, agad nitong sasabihin ang “Babe.” Gulat na gulat si Pepe nang marinig ito. Lalapit si Sarri sa kinatatayuan niya pero lalampasan siya nito para lapitan ang isang lalaki na walang iba kung hindi si Dean. And she gives him a sweet kiss on the lips.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending