Coco nagpaliwanag kung bakit pinatay si Benny sa Probinsyano
NAG-TRENDING ang pagkamatay ng character ni Pepe Herrera na si Benny sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Ang daming nagalit na netizens dahil love nila ang character ni Pepe na trusted man ni Coco Martin who plays Cardo.
In an interview, Coco explained why Pepe’s character had to go.
“Honestly, si Pepe kasi aalis siya papuntang New Zealand kasama iyong mommy niya. And then iyon, nagpaalam nga siya sa amin na kung pu-puwede sana eh i-exit na siya from the show,” say ni Coco sa isang interview ng ABS-CBN.
“Ang hiniling ko sa kanya noon, sabi ko ‘Benny, bigyan mo lang ako ng pagkakataon. Hindi ko lang maibibigay sa iyo ngayong December pero sabi ko sa second week of January ay gagawan ko ng magandang kuwento iyong exit mo, gawin nating maayos.'”
“Ayaw ko naman na bigla ka na mawawala doon sa show. So ayun, maganda naman iyong naging reaksyon ng mga tao.
“Siyempre nakakalungkot dahil napakalaking parte ng Ang Probinsyano pero na-deserve niya talaga iyong pinaka-best (na ending) dahil napakagaling niyang artista at nakapasarap niyang katrabaho,” dagdag pa ng premyadong actor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.