Bag, jacket, sumbrero bawal sa ‘Nazareno’ | Bandera

Bag, jacket, sumbrero bawal sa ‘Nazareno’

- January 08, 2017 - 07:54 PM

nazareno

MAHIGPIT na ipagbabawal ng pulisya sa mga lalahok sa Traslacion ng Itim na Nazareno ngayong araw ang pagdadala ng backpack at pagsusuot ng sumbrero at jacket.
Ayon kay PNP chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa, sakaling makakita ang mga pulis ng may dalang backpack o may suot na sumbrero at jacket ay agad nila ito sisitahin at kukum-piskahin.
Hindi na aniya dapat magdala ng bag sa pagdalo sa Traslacion dahil maaaring mawala lang ito sa dami ng taong makikiisa sa aktibidad.
Pinayuhan din ng PNP ang publiko na huwag nang magdala ng mga importanteng gamit at malaking pera para maiwasan na madukutan.
Hindi aniya maiiwasan ang ganitong pangyayari dahil sasamantalahin ng mga kawatan ang Traslacion na inaasahang dadaluhan ng milyon-milyong deboto.
Tiniyak naman ng PNP na mahigpit na magbabantay ang libo-libong pulis na ipapakalat sa Maynila lalo na sa banta ng terorismo.
Sinabi rin ni dela Rosa na bagaman walang direktang banta sa Traslacion, hindi nila inaalis ang posibilidad na maaaring magsagawa ng retaliatory attack ang Ansar Khilafa Philippines matapos mapatay ang kanilang lider at maaresto ang tatlo pa sa kanilang miyembro.
Gun ban
Samantala, epektibo na kahapon ang gun ban sa Maynila kaugnay rin ng pista ng Itim na Nazareno.
Alas-8 ng umaga ay nagsimula ang 48-hour gun ban ng PNP na magtatapos bukas.
Ipinatupad ang gun ban, ayon sa otoridad, upang matiyak na magi-ging mapayapa at maayos ang Traslacion.
Ani Dela Rosa, tan-ging mga pulis at sundalo na nakauniporme ang maaaring magdala ng armas.
Pahihintulutan naman ang mga security guards na magbitbit ng armas kung naka-duty sila sa mga araw na umiiral ang gun ban.
Security alert
Kasabay ng United Kingdom, nag-abiso rin ang embahada ng US sa mga nationals nito na kasalukuyang nananatili sa Pilipinas na maging alerto sa selebrasyon ng kapistahan ng Quiapo.
Nagpaalala rin ang embahada ukol sa mga isinarang kalsada, mga lugar na tatanggalan ng signal at dadaanang ruta ng milyon-milyong deboto.
Hindi man direktang inihayag, hinikayat ng US embassy ang mga Amerikano na maging mapagmatyag upang masiguro ang kaligtasan sa pag-iikot sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending