Pinag-iingat ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration ang publiko sa pananalasa ng bagyong Auring.
Sa pagtataya ng PAGASA, ang bagyo ay magla-land fall kagabi o ngayong umaga sa Surigao del Sur.
Ang bagyo ay mayroong hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 70 kilometro bawat oras. Umuusad ito ng pahilagang kanluran sa bilis na siyam na kilometro bawat oras.
Kahapon itinaas ang tropical cyclone warning signal no. 1 sa Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Sur, Surigao del Norte kasama ang Siargao Island, Dinagat Province, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Camiguin, Northern Zamboanga del Norte, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Bohol, Siquijor, Negros Provinces, Southern Leyte, Cebu, Guimaras, katimugang bahagi ng Iloilo at Antique.
Ngayong umaga inaasahan na ang bagyo ay nasa layong 80 kilometro sa kanluran ng Surigao City. Bukas ito ay inaasahang nasa Cuyo, Palawan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.