Susuwertehin na sa ikatlong pag-aabroad (2)
Sulat mula kay Marianne Sto Nino, Lapasan, Cagayan de Oro City
Problema:
1. Nakaka-dalawang beses na po akong nakapag-aabroad parehong sa Middle East ang problema hindi naman gumanda ang buhay ko at halos di parin makabayad sa mga pagkakautang. Nakapagpatayo ako ng tindahan sa silong ng bahay namin, kaya lang sa ngayon paubos na rin ang laman kaya balak ko sanang mag-abroad uli.
2. Itatanong ko lang po sana kung may ikatlong pag-aabroad pa bang itatala sa aking kapalaran at kung mayroon kailan kaya ako makaka-alis? May kaibigan kasi ako sa Canada na siyang tumutulong para makapag-abroad ako doon. Matutuloy na kaya ako sa taong ito at papalarin na kayang gumanda ang buhay ko doon? September 3, 1987 ang birthday ko.
Umaasa,
Marianne Cagayan de Oro City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) ay nagsasabing kung isang Capricorn o kaya’y Taurus ang kaibigan mo sa Canada na tumutulong sa iyo, tiyak ang magaganap sa taon ding ito ng 2017, sa buwan ng Mayo matutuloy ka.
Numerology:
Ang birth date mong 3 ay nagsasabing lumbha kang magiging mapalad sa lahat ng numero at bilang na ikatlo, kaya nga sa ikatlong pangingibang bansa, sobrang maunlad at mapalad ang sa iyo ay matagal ng nakalaan bago ka pa isinilang.
Luscher Color Test:
Upang laging manahan sa iyo ang suwerte at magandang kapalaran lagi kang magsuot ng kulay na dilaw, pink, violet at pula. Sa nasabing kulay muling gaganda at lalo pang uunlad ang iyong kapalaran lalo na sa aspetong pang materyal.
Huling payo at paalala:
Marianne ayon sa iyong kapalaran magalak ka at magdiwang, dahil tulad ng nasabi na, kung ang kaibigan mong tumutulong sa iyo ay isinilang sa zodiac sign na Taurus o kaya’y Capricorn, walang duda, sa taon ding ito ng 2017, sa buwan ng Mayo sa edad mong 29 pataas, mararanasan mo na ang ikatlo at ang pinaka-mabungang pangingibang bansa sa bansang Canada, na magiging simula na rin upang ang iyong buhay lalo na sa materyal na bagay ay tuloy-tuloy ng umunalad at lalo pang guminhawa hanggang sa tuluyan ka ng yumaman.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.