Army truck sumemplang; 3 kawal patay, 22 sugatan | Bandera

Army truck sumemplang; 3 kawal patay, 22 sugatan

John Roson - January 06, 2017 - 03:14 PM
sulu Tatlong kawal ang nasawi at 22 pa ang sugatan nang sumemplang ang sinakyan nilang trak sa Talipao, Sulu, Biyernes ng umaga, ayon sa militar. Pawang mga miyembro ng Army 21st Infantry Battalion ang mga nasawi’t nasugatan, sabi ni Major Filemon Tan, tagapagsalita ng Armed Forces Western Mindanao Command. Naganap ang insidente dakong alas-5:30, habang binabagtas ng isang military convoy ang Danag-Bilaan road sa Brgy. Upper Kamuntayan. Siyam na sasakyan ang kasama sa convoy, na papunta noon sa isang operasyon, sabi ni Col. Benjamin Hao, tagapagsalita ng Army. Nagloko ang preno ng isa sa mga trak ng convoy, kaya nawalan ng balanse ang sasakyan at nahulog mula sa kalsada, ani Tan. Dinala ng iba pang kawal ang mga sakay ng naaksidenteng trak sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital, ngunit tatlong enlisted personnel ang idineklarang patay ng mga doktor, ani Tan. Labing-walo sa mga sugatan ang inilipad lulan ng C-130 plane patungong Zamboanga City para sa karagdagang lunas, at dalawa sa mga ito’y dinala sa isang pribadong ospital, aniya. Inilipad din patungong Zamboanga ang mga labi ng tatlong nasawi, na nakatakdang ring dalhin sa Maynila kahapon, ayon kay Tan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending