Philippine Sports Institute isasabatas | Bandera

Philippine Sports Institute isasabatas

Angelito Oredo - January 04, 2017 - 11:00 PM

ITINUTULAK ng mga mambabatas matulungan ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagpapanatili sa makabago at siyentipikong proseso at pagtuturo ng sports sa buong bansa sa pagbibigay suporta at pagnananais na maging isang batas ang nakatakdang pagtatayo ng Philippine Sports Institute (PSI).

Ito ang sinabi nina PSC Executive Director Carlo Abarquez at ang itinalagang PSI National Training Director Mark Velasco sa paunang pagpapakilala sa programa na ilulunsad sa ikatlong pagkakataon sa Enero 16 katulong mismo si Pangulong Rodrigo Duterte sa PhilSports Arena sa Pasig City.

“It was Lanao Governor Khalid Dimaporo and Lanao Del Norte 2nd Representative Aliyah Dimaporo who proposed and submitted that the PSI be turned into a law so that it will stay on even if there will be changes in the administration and of the appointed leaders in the PSC,” sabi ni Abarquez.

“Nakakatuwa dahil almost all of our lawmakers in the Congress, the League of Governors, Mayors as well as in the Senate and then also sa DILG and with DepEd and CHED wanted the PSI to stay. It will be good na maging isang batas siya para masiguro na kahit wala na kami dito kapag nagpalit ng bagong pamunuan o presidente ay patuloy pa rin ang talent identification, ang sports science at ang proseso para sa pagdidiskubre sa talento ng ating mga kabataan at pagtuturo ng mga bagong kaalaman sa mga coaches at sports administrators,” sabi ni Velasco.

Ito ay dahil ang Pilipinas lamang ang tanging bansa sa rehiyon ng Asya na wala na katulad sa isang paaralan para sa sports na maibibigay ng itatayo na sports institute.

Inaasahan na mismong si Pangulong Duterte mismo ang magpapasimula sa inagurasyon ng PSI kasama si PSC Chairman William “Butch” Ramirez habang inimbitahan din ang iba pang sports officials mula sa Senado, Kamara, LGU at iba pang ahensiya upang samahan ang pangulo na siya rin magbibigay ng keynote speech.

Una nang ipinaliwanag ni Ramirez na ang PSI ay base sa pagnanais ng administrasyon ni Duterte sa pag-promote at pag-aangat ng kundisyon ng sports sa bansa mula sa grassroots hanggang sa elite level.

“The athletes and coaches will have a better idea what PSI is going to offer to them in the inauguration, and what the PSI will bring to the table. As for the other stakeholders, it will show how the PSI will be the main driving force of PSC in grassroots and elite athletes.

Itinakda naman ang kabuuang P25-milyon pondo kada taon sa proyekto para magamit nito sa pagbili ng mga makabagong kagamitan para sa pagsusuri sa mga atleta, pati na rin sa strength and conditioning at maging sa nutrisyon at paghahanda.

Nakasaad sa proyekto ang Grassroots Sports Development Program  na nakatuon sa apat na yugto ng athletes talent identification na kinabibilangan ng training of pool of researchers, testing phase, talent selection at ang pagpasok sa mapipiling atleta sa SMART KIDS program.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending