KUNG medyo mahina ang kita ng ilang official entry sa kasalukuyang MMFF ay ibinalita naman ng Star Cinema na umabot na sa P500 million mark ang hinamig sa takilya ng “The Super Parental Guardians”.
Ang nasabing comedy film na pinagbibidahan nina Vice Ganda at Coco Martin ang itinuturing nang pinaka-successful na pelikula nina Vice at Coco sa history ng kanilang movie career.
Sa Instagram account ng Star Cinema in-announce ang nasabing good news sa pamamagitan ng poster ng “SPG” na may nakasulat na P500-M at may caption na: “Ito ang the best pamasko mga Kapamilya! Maraming maraming salamat sa lahat ng nanood at manonood pa lang ng
#TheSuperParentalGuardians! To God be the glory! Merry Christmas!
#TSPG4thMegaBlockbusterWeekend!
Ang “The Super Parental Guardians” na idinirek ni Bb. Joyce Bernal ay kumita ng P75 million sa unang araw ng pagpapalabas nito sa mga sinehan, ito na ang itinuturing na highest opening day gross of all time sa history ng Philippine movies.
Nasa ikaapat na linggo na ang nasabing pelikula at showing pa rin sa ilan pang sinehan sa iba’t ibang panig ng bansa. Isa ang “SPG” sa mga pelikulang isinumite ng Star Cinema para sa MMFF 2016 pero hindi pinalad na mapasama sa Magic 8.
Bukod kina Vice at Coco, kasama rin sa “SPG” sina Awra Briguela, Onyok Pineda, Matet de Leon at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.