Virac inilagay na sa ‘state of imminent danger’ dahil sa bagyong ‘Nina’
VIRAC, Catanduanes –INILAGAY na ang bayan ng Virac, Catanduanes sa “state of imminent danger” ngayong araw matapos pumasok ang bagyong Nina sa Philippine Area of Responsibility (Par).
Binigyan ni Virac Mayor Sammy Laynes ng otorisasyon ang mga opisyal para mag-cash advance para makabili ng mga food packs mula 1,000 hanggang 2,000.
Nakahanda na ang 4,500 food packs sakaling tumama ang bagyo, ayon kay provincial administrator Lemuel Surtida.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending