Melai: Fight for your love talaga ang aking 2016! | Bandera

Melai: Fight for your love talaga ang aking 2016!

Ervin Santiago - December 22, 2016 - 12:25 AM

MELAI CANTIVEROS

MELAI CANTIVEROS

MEDYO okay na ang pagbubuntis ngayon ng TV host-comedienne na si Melai Cantiveros. Nagpasalamat ang komedyana sa lahat ng mga nagdasal para sa kanya at sa kanyang baby.

“Basta hinay-hinay lang daw sa trabaho, one at a time lang,” chika ni Melai sa panayam ng ABS-CBN.

“Kasi naging placenta previa siya, whole pa talaga, so delikado kung matagtag ako or matagal nakatayo.

Kaya naka-wheelchair ako noong nakaraan. Pero mabuti naman nakaya ng gamot and safe naman si baby,” chika ni Melai.

Sa paliwanag daw ng doktor kay Melai, ang placenta previa ay nangyayari kapag ang placenta ng bata ay “partially or totally covers the opening in the mother’s cervix” na maaaring maging sanhi ng matinding “bleeding before or during delivery.”

Ano naman ang reaksiyon ng panganay nilang si Mela sa pagkakaroon ng kapatid? “Para sa kanya itong baby na ito. Parang sa kanya gift.”

Kumusta naman ang selebrasyon nila ni Jason Francisco para sa kanilang 3rd wedding anniversary?

“Hindi naman naging sobrang romantic kasi nasa kasal siya ni Paul Jake (Castillo), kasi same din ‘yung (wedding day) tapos nag-work din ako for Magandang Buhay. Pero pag-uwi, nag-celebrate kami, may flowers, may chocolates, date lang sa bahay.”

In fairness, sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa buhay ni Melai, super thankful pa rin siya sa Diyos dahil maraming blessing na ibinigay sa kanyang ngayong 2016.

“I’m so blessed. May mga circumstances pero talaga namang napagtagumpayan. Basta lagi lang talaga magdasal. Fight for your love talaga ang aking 2016,” aniya sa nasabing panayam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending