John Lloyd iniintriga bilang hurado ng 2016 MMFF; nagkamali ng punchline sa interview
AGREE kami sa komento ng marami na may pagka-bias ang statement ni John Lloyd Cruz na una niyang panonoorin among the MMFF 2016 entries ang Star Cinema movie na “Vince & Kath & James.”
Nanggagaling kasi ang komento sa pagiging opisyal na member ni Lloydie sa jury na susuri at pipili ng “the best” among the eight entries.
Para na rin kasing promo ang naturang statement ni Lloydie bukod pa sa lalabas na may pinapaboran siya agad, mereseng sabihin pa niyang panoorin natin ang lahat ng kalahok na pelikula.
Kilala naming matalino ang aktor at nauunawaan ni Lloydie ang isyu ng “objectivity” pagdating sa artistry ng isang project, lalo pa’t balitang nag-eenjoy ito ngayong gumawa ng mga indie movies na naglilinang ng kanyang pagkaartista at tumutuklas sa mas mataas na kahulugan ng kanyang sining.
But can we blame him? He is a contract star and a prized possession of Star Cinema na nagbigay sa kanya ng mga titulong box-office sensation at rom-com king?
q q q
Speaking of Lloydie, naaliw naman kami sa tsikang naging masaya ang tsika-tsika cum pictorial nila nina Bea Alonzo at Alden Richards nang minsan silang magkita-kita sa isang event.
Ilang kaibigan ang nakasaksi noon at nagbalita sa amin na sobra rin daw natuwa sina Bea at Lloydie sa very warm gesture ni Alden na aminadong “super fan” din nila.
“Makulit nga si Lloydie at biniro-biro nito si Alden. Narinig din naming kilig na kilig si Bea sa kakyutan ng Pambansang Bae. Sana nga magkaroon sila ng project in the future,” bahagi ng reaksyong nakarating sa amin.
Well, noon pa sinasabi ni Alden na big fan siya ng Bea-Lloydie tandem at lagi niyang pinapanood ang movies ng mga ito. Hindi pa man siya artista ay peg na niya ang pagiging aktor ni Lloydie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.