Ate Guy naglabas ng sama ng loob sa mga impersonators: Naiinis po ako, iyan ang totoo! | Bandera

Ate Guy naglabas ng sama ng loob sa mga impersonators: Naiinis po ako, iyan ang totoo!

Ervin Santiago - December 21, 2016 - 12:20 AM

Nora Aunor

Nora Aunor

INAMIN ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor na may pagkakataong naiirita siya kapag ginagaya o ini-impersonate siya ng ilang stand-up comedians on stage o sa mga programa sa TV.

Ayon kay Ate Guy, okay lang naman daw na gayahin siya pero huwag naman yung sobra-sobra at below the belt na ang atake na kung minsan ay nakaka-offend na raw.

Sa panayan ng Tonight With Boy Abunda sa award-winning veteran actress, naglabas ito ng sama ng loob sa ilang impersonators na “exaggerated” na ang panggagaya sa kanya na baka akalain ng mga nakakapanood ay ganu’n talaga siya sa tunay na buhay.

“Naiinis ako. Iyon ang totoo kasi puwede naman nilang gayahin ako. Okay lang ‘yon eh para makapagpatawa sila. Pero kung sobrahan nila, hindi naman ako ganu’n,” ang mariing pahayag ni Ate Guy.

Hindi pinangalanan ng Superstar kung sinu-sino ang tinutukoy niyang impersonators pero ayon sa ilang netizens na nakapanood ng interview posibleng isa raw kina Ate Gay at Teri Onor ang “salarin” dahil ang dalawa nga ang pinakasikat na impersonator ni Ate Guy.

Nang tanungin naman ang aktres kung umaasa pa ba siya na mabibigyan ng pagkilala bilang National Artist, ayon sa Superstar, “Hindi. Ang sa akin naman, mas marami pang mga artista, mga tao na mas kinakailangang bigyan ng ganyang award.”

Noong 2014, nagreklano ang lahat ng Noranians nang ipatanggal ni former President Noynoy Aquino sa short list ng mga posibleng bigyan ng National Artist award, ito’y dahil daw sa pagkakasangkot noon ni Ate Guy sa isyu ng illegal drugs.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending