Relasyon nina LJ Moreno at Jimmy Alapag kinaiinggitan | Bandera

Relasyon nina LJ Moreno at Jimmy Alapag kinaiinggitan

|December 21,2016
facebook
share this

Relasyon nina LJ Moreno at Jimmy Alapag kinaiinggitan

- December 21, 2016 - 12:30 AM

lj moreno at jimmy alapag

KINAIINGGITAN ngayon ng marami ang relasyon ng businesswoman-actress na si LJ Moreno at ng sikat na basketball player na si Jimmy Alapag.

Very smooth and free from intrigues kasi ang pagsasama ng dalawa, na kahit na mga kilalang celebrities in their respective fields ay napapanatili nilang low profile ang kanilang married life with their kids Ian Maximus and Keona Skye.

In fairness, hindi rin naman naging madali para kina LJ at Jimmy ang kanilang buhay mag-asawa dahil na medyo na-late nga ang pagkakaroon nila ng baby. Balak na nga nila noong mag-ampon dahil inip na inip na silang magkaanak.

Sa isang panayam kay LJ, sinabi nitong ang asawa talaga ang kanyang “wind beneath her wings”, “Si Jimmy ang supporter talaga. May two times siguro na talagang nag-breakdown na ako. Nakaka-frustrate. He comforts me, tapos prayer lang talaga.”

Samantala, saludo naman si LJ sa pagiging mabait at responsableng asawa at tatay ni Jimmy kaya naman patuloy na inuulan ng blessings ang retired PBA player (Meralco Bolts). Sa katunayan, siya ang maswerteng napili para maging ambassador ng Meralco. Siya ang magsisilbing mukha para sa bagong campaign ng Meralco.

Sa kanyang mensahe sa nasabing Meralco bill, nanawagan si Jimmy na i-update ng mga customer ang kanilang personal information upang maabot sila ng Meralco at mapaalalahanan sa panahon ng emergencies na maaaring makaaapekto sa kanilang electricity service.

Ang Meralco ay nagpapadala ng text alerts ukol sa power interruption schedules, at maging sa panahon ng kalamidad o sakuna katulad ng baha, bagyo, lindol, mga nabuwal na puno at naputol na kable para sila ay tulungang makapaghanda at maging ligtas.

Sa Customer Information Sheet, maaaring isulat ng mga customer ang kanilang cellphone at landline numbers, email address, Facebook, Twitter at Instagram usernames. Ang mga nakumpletong forms ay maaaring isumite sa pinakamalapit na Meralco Business Center o Bayad Center, o sa awtorisadong Meralco bill delivery messenger.

Noong Hunyo, bumida si Alapag sa Meralco Advisory TV commercial kasama sina Joe Zaldarriaga at Maita David, kung saan nagpaalala rin ang basketball star sa customers na mag-update ng kanilang contact information at social media accounts. Patuloy rin si Jimmy sa pagtulong sa kampanyang ito ng Meralco sa pamamagitan ng mga interview sa TV at radyo.

Para sa karagdagang impormasyon, maaring dalawin ang www. meralco.com.ph/updatingyourinfo o kaya’y tingnan ang Meralco official Facebook at Twitter accounts @meralco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending