Cabinet secretary in love kay TV reporter | Bandera

Cabinet secretary in love kay TV reporter

Den Macaranas - December 21, 2016 - 12:10 AM

MARAMI ang nakakapansin na sunud-sunod ang mga scoop stories ng isang lady TV reporter.

Kahit ‘yung mga kasamahan niya sa beat ay naiiwan sa mga magagandang news stories na nakukuha ng masipag na news personality.

Sinabi ng ating Cricket na bukod sa pagiging masipag ay may iba pa palang sikreto at tool itong bida sa ating kwento ngayong araw.

Isang miyembro ng Gabinete ang nasa likod ng mga scoop stories ni Madam.

Sa pagsisiyasat ng ating Cricket ay kanyang nabisto na may itinatago palang pag-ibig ang isang tahimik pero sikat na miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Matagal na palang kursunada ni Sir si Lady Reporter kaya lagi niya itong binibigyan ng mga magagandang istorya.

Simula pa lamang noong panahon ng kampanya ay na-attract na si Sir sa angking ganda ng naturang TV reporter.

Noong una ay lagi niya itong inaalok ng pagkain hanggang sa magpalitan na sila ng number ng kanilang mga cellphones.

Noong una ay puro news lang ang kanilang pinag-uusapan hanggang sa nauwi na ito sa mga sweet nothings.

Hindi naman pinapansin ni Lady Reporter ang mga pasaring ni Sir dahil para sa kanya ay hanggang friendship lang sila.

Pero hindi kaagad sumuko ang ating bida at pilit pa rin niyang ipino-posisyon ang sarili sa puso ni Madam.

At para hindi maputol ang kanilang ugnayan ay laging binibigyan ni Mr. Cabinet Secretary ng mga scoop stories ang lady reporter.

Time will come na baka naman makatyamba rin si Sir sa puso ni Madam.

Ang Cabinet secretary na madalas magbigay ng scoop stories sa kanyang minamahal na lady reporter ay si Mr. B….as in Boombastic.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang lady reporter naman na bida sa ating kwento ay si Miss L…as in Ligaya.
Para sa komento o tanong, mag-email sa [email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending