Kilalang aktres gamit na gamit ni male star sa 'panloloko' ng mga tao | Bandera

Kilalang aktres gamit na gamit ni male star sa ‘panloloko’ ng mga tao

Cristy Fermin - December 19, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM 0430NAKAKAAWA naman ang popular at guwapong male personality na panay-panay ang pagpapakita ng sweetness sa kanyang kasamahang aktres sa network pero wala namang naniniwala sa kanyang mga ipinakikita.

Pinagtatawanan siya nang palihim, pinag-uusapan nang patalikod, puro press release lang daw naman ang guwapong hunk actor. Walang naniniwala sa mga ginagawa at pinagsasasabi niya dahil alam daw naman ng lahat na hindi ‘yun totoo.

Kuwento ng isang source, “Nakakaloka lang dahil kung kailan maraming tao sa paligid, e, saka siya nagpapakita ng interest sa girl. All for show lang ‘yun, hindi niya naman totoong love ‘yung female personality.

“Kapag wala nang mga tao, lalo na kung wala nang mga reporters, e, back to normal na siya. Wala na, hindi na niya pinapansin ‘yung girl.

“Nu’ng minsan ngang magkakasama ang mga reporters, e, sinabi ng isa, ‘Makita n’yo, kapag nakita tayong papalapit ni ____ (pangalan ng guwapong hunk actor), e, hahawakan na niya or aakbayan si ____ (ang female perso-nality).

“Mismo! Nu’ng makita na nga silang papalapit ni male personality, e, bigla na lang niyang i-nakbayan ang girl para lang paniwalaan niya ang mga reporters na may something sa kanila.

“Ang kapal niya, ha? Pakitang-tao! E, kapag wala namang nakatingin sa kanila, e, hindi niya pinapansin ang girl! Magpakatotoo na kasi siya, ‘no!” naiinis na kuwento ng aming source.

Nakakalungkot naman. Paano kung totoo ngang may tama ang male personality sa magandang girl? Paano kung nagpapakatotoo na siya?

Nagmamarakulyong huling sultada ng impormante, “Magtigil siya! Siya ang may tama! Paniwalain ba ang mga tao na meron silang relasyon? Tama na ang pagpapanggap!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, pangaralan n’yo ang papa n’yong ‘yan, ha? Nakakalorky siya, sa totoo lang!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending