Payo ni Ian kay Bea: Respeto ang kailangan para tumagal ang relasyon! | Bandera

Payo ni Ian kay Bea: Respeto ang kailangan para tumagal ang relasyon!

Ervin Santiago - December 19, 2016 - 12:05 AM

 

IAN VENERACION AT BEA ALONZO

IAN VENERACION AT BEA ALONZO

BINIGYAN ng payo ni Ian Veneracion ang bago niyang leading lady na si Bea Alonzo sa ABS-CBN teleserye na A Love to Last tungkol sa usaping pag-ibig.

Nali-link ngayon si Bea sa Kapamilya actor na si Gerald Anderson kaya sa presscon kamakailan ng A Love To Last tinanong si Ian kung ano ang pwede niyang i-advice kay Bea pagdating sa pakikipagrelasyon.

“I think the kind of love that lasts is the love based on respect. It’s a big part kasi yun nga, sometimes yung love mo sa isang tao, sometimes you love the person so much, sometimes not so much.

“Sometimes kapag nakukulitan ka, you actually hate that person. But the respect is constant and is always there.

“So it’s the kind of love based on respect, I think it’s golden ingredient for a love to last,” pahayag ni Ian na very happy pa rin sa kanyang married life.

Um-agree naman si Bea sa tinuran ng kanyang bagong ka-loveteam.

Kumusta naman ang Kapamilya drama actress bilang leading lady, “Madaling makatrabaho kasi, behind the scenes, masaya and very comfor-table. Kasi as actors, you have to open up yourselves, di ba?

“Maging yung personal life is part of your work, e. So it’s very important na as co-actors, alam mo yung core ng katrabaho mo. Ako din, I’m very comfortable telling her stuffs regarding my personal life.

“‘Tapos, pagdating sa seryosong eksena, sobrang seryoso kami. Sobrang supportive kami sa isa’t isa. Masaya!” hirit pa ni Ian na abot-la-ngit ang pasasalamat sa ABS-CBN at Star Creatives dahil sa magagandang proyektong ibinibigay sa kanya.

May nagkomento naman na pabata nang pabata ang nagiging kapartner niya, nauna nga si Jodi Sta. Maria at ngayon nga ay si Bea naman. Hindi kaya sa next project daw niya ay si Julia Barretto na ang i-partner sa kanya na ka-join din sa A Love To Last.

Natawa muna ang 41-year-old drama actor sabay sabing, “Wala, I’m just thankful na, yun nga, I’m given these projects. Thank you.

“And I’m just thankful and, yun nga, with all these opportunities and yung movies ko. I get to work with these people, and yun, it’s totally unexpected and, yun nga, it’s not up to me,” dagdag pa ni Ian.

Samantala, ang A Love To Last ay napapanahong kwento tungkol sa pamilya na magpapakita sa mga manonood kung paano naiiba ang konsepto ng pag-ibig pagdating sa reyalidad.

Tulad na lang ni Andeng Agoncillo (Bea), isang breadwinner at matagumpay na events organizer, na lubos na naniniwala sa kapangyarihan ng pag-ibig. Para sa kanya, ang pag-ibig ay ang makasama ang lalaking tunay na nagmamahal sa kanya at bumuo ng pa-milya kasama nito.

Subalit hindi niya nakuha ang inaasahang fairy tale na ending sa kanyang love story matapos matuklasan ang kataksilan ng kanyang fiancé ilang araw bago ang kanilang kasal. Sa kabila nito, naniniwala pa rin si Andeng na darating ang panahon na makikita din niya ang lalaki para sa kanya.

Samantala, buong akala naman ni Anton Noble IV (Ian) ay nahanap na niya ang pag-ibig na i-naasam niya. Pagkatapos ng ilang taong pagsasama, nagdesisyon ang kanyang asawa na si Grace (Iza Calzado) na makipaghiwalay at humingi ng annulment.

Paglalapitin sila ng tadhana sa hindi-inaasahang panahon at lugar. Hanggang saan kaya kakayanin ni Andeng lumaban para sa pamilyang pinapa-ngarap niya at sa pwesto niya sa buhay ni Anton?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa A Love to Last sina Enchong Dee, Julia Barretto, Ronnie Alonte, JK Labajo at Hannah Vito, sa direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Richard Arellano. Magsisimula na ito sa darating na Enero sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending