Kampo ni JED SALANG nakakadiri ang ginagawang pambabastos kay AI AI | Bandera

Kampo ni JED SALANG nakakadiri ang ginagawang pambabastos kay AI AI

Cristy Fermin - May 27, 2013 - 08:38 AM


Nakakahiya ang pinaiiral na pambabastos ng kampo ni Jed Salang laban sa Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas.

Kakaiba rin naman ang mga kakampi ng nakahiwalay na asawa ng aktres, para lang makapanira, kung ano-ano ang mga pinalulutang nilang pambabaligtad.

Pinalalabas ngayon ng kampo ni Jed na parang sex maniac daw ang komedyana, napakahilig daw niya sa pakikipagtalik, ikinukulong pa raw ni Ai Ai ang kanyang ex sa banyo para du’n sila magparamdam ng pisikal na pagmamahalan.

Nakarating na kay Ai Ai ang mga paninira sa kanya ng kampo ni Jed Salang, napapailing na lang ang komedyana dahil hindi niya naisip kahit kailan na ganu’ng pambababoy pala ang gagawin sa kanya ng kampo ng lalaking minahal niya, pinababayaan na lang ni Ai Ai ang mga paghusgang ibinabato laban sa kanya.

Kuwento sa amin ng isang malapit sa komedyana, “Buti nga at sa maagang panahon, e, nauntog na si Ai Ai.

Natuklasan niya agad ang mga planong gawin ni Jed. E, kung nagtagal pa sila, di lalo na siyang nasaktan?

“Ang latest, e, kinausap pa pala ni Jed ang babaeng karelasyon niya bukod kay Ai Ai, sinabihan pala niya ‘yung babae na sandalian lang naman ang magiging relasyon nila ni Ai Ai, kaya cool lang ang girl.

“Ano ang ibig sabihin nu’n, di ba? Kaya pala ang sabi ni Ai Ai, e, hindi raw siya nakinig sa isang friend niya na nagsabi sa kanya na peperahan lang siya ni Jed.

Nakakalungkot naman ‘yun!” napapailing pang kuwento ng aming impormante.

Ang pag-ibig nga naman. Masyadong mapaglaro.

Sobrang manggamit ng puso ng mga taong marunong magmahal pero hindi naman minamahal pabalik.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending