Uge Italian ang bagong dyowa: Salamat sa Diyos, tao naman siya at lalaki siya!!! | Bandera

Uge Italian ang bagong dyowa: Salamat sa Diyos, tao naman siya at lalaki siya!!!

Jun Nardo - December 17, 2016 - 12:50 AM

EUGENE AT JERICHO 1216

NAKARANAS si Jericho Rosales na makahalikan ang isang komedyana sa katauhan ng bagong kaparehang si Eugene Domingo sa “Ang Babae Sa Septic Tank 2: #ForeverIsNotEnough.”

Isa ito sa mga official entries sa nalalapit na 2016 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa Dec. 25.

Sanay kasi si Echo na makahalikan ang magagaling na mga drama actress natin pero sabi ng award-winning actor ibang experience naman ang sa kanila ni Uge, punumpuno raw ng passion ang “ngasaban” scenes nila sa movie, huh!

“Yeah! Yeah! Ha! Ha! Ha! Passionate siya. Alam ninyo, ang funny ni Miss Eugene sa eksena na-ming ‘yon. Ayaw kong ibigay ‘yung ano pero tingnan ninyo ang reaction niya sa kissing scene na wala sa script namin. Sobrang nakakatawa.

“But it’s just ano. Wala eh. Nandoon siya. Punumpuno ng…parang may magic ang pangalan ko doon, Rodrigo. Si Rodrigo at Cecilia! Ganoon! Ha! Ha! Ha! Parang Mexicano na passionate na parang Espanyol na ewan!

“Wala, walang ilang factor! Bigay-todo ang eksena!” saad ng aktor.

Sa panig naman ni Uge, ito raw ang perfect movie para sa kanyang comeback. Inamin niyang may kissing scene nga sila ni Echo sa pelikula.

“Definitely kaya ito nakakakilig. Unang-una, si Jericho nakakakilig. Saka siyempre, hindi naman ako makakapayag na hindi ko siya mamomolestiya! Ha! Ha! Ha! Joke lang!” diin ni Uge.

Napansin ng media sa grand media con ng “Ang Babae Sa Septic Tank.2” ang pagiging fresh at kakaibang ganda ng komedyana. Totoo ba ang tsismis na in love siya ngayon kaya inspired sa pagbabalik pelikula?

“Eeeee! Yes! I’m so in love. There’s no reason to deny it. I’m so in love!” sagot ni Uge.

“He’s a person. Thank God he’s a person! So I’m loving my work. Little lang.

“Lalaki po siya. He’s not a Filipino. He’s an Italian. And yeah, I’ve been in Italy by the way. And he is perfect! So there!

“We met in a festival. But before that, sa festival talaga nakikita. ‘Yun pala talaga ang purpose ng paglabas-labas ko? Doon ko makikita sa labas.

“So started chatting and then so that’s it. Every now and then, I go there. So maybe next, God willing, he’s visiting here and see’s all of you.

“Thank you, thank you! Thank you, Lord! I found my forever! Forever’s not enough! “ deklara ni Uge.
Bukod kina Echo at Uge, nasa cast din ng “ABSST” sina Joel Torre, Cai Cortez, Kean Cipriano, Khalil Ramos, Hanna Ledesma, mula sa panulat ni Chris Martinez at sa direksyon ni Marlon Rivera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Grade A ang ibinigay sa movie ng Cinema Evaluation Board habang PG naman ang rating ng MTRCB.

Mula ito sa Quantum Films na nagbigay sa festival moviegoers ng mga blockbuster hits na”English Only Please” at “#Walang Forever” na naging entry din sa MMFF 2014 and 2015 respectively

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending