Willie wala pa ring girlfriend, malamig ang Pasko: Darating yun pag para sa iyo! | Bandera

Willie wala pa ring girlfriend, malamig ang Pasko: Darating yun pag para sa iyo!

Cristy Fermin - December 17, 2016 - 12:20 AM

WILLIE REVILLAME

WILLIE REVILLAME

BASTA wala siyang taping para sa Wowowin ay nasa kanyang “kaharian” lang sa Tagaytay si Willie Revillame. Katangian ‘yun ng mga artistang nagpapasaya ng publiko, kapag tapos na ang kanilang trabaho ay kapribaduhan ang una nilang hinahanap, tahimik lang silang namumuhay.

Sa kanyang mansiyon at mga villa sa Iruhin, Tagaytay City lang namamalagi si Willie, kapag may production meeting sila ay ang kanyang mga staff na ang pinaaakyat niya, ninanamnam niya ang katahimikan ng kapaligiran sa isa sa pinakamataas na lugar sa dinadayong siyudad.

Kuwento ni Willie, “Ibang-iba ang pakiramdam ko kapag nasa Tagaytay ako, e. Parang walang mga problema, malayo sa stress, nakikipagtipan ka sa nature. Kapag umaakyat ako sa roof top at nakikita ko na ang napakagandang view ng Taal Lake, wala na, kumpleto na ang buhay ko!

“Ito ang kulang sa atin, pahinga, kaya kapag may dalawang araw akong bakante, nasa Tagaytay na agad ako. Isinasama ko du’n ang ibang staff ko, ang mga kaibigan ko,” kuwento ng aktor-TV host.

Napakalamig ng klima sa Tagaytay, lalo na ngayong malapit na ang Pasko, hindi kaya lalong lumalamig ang kanyang gabi dahil wala naman siyang karelasyon?

Aminado si Willie na matagal na panahon nang bakante ang kanyang puso, puro trabaho lang ang pinagtutuunan niya ng panahon, pero sa kabila nu’n ay parang wala namang dahilan para siya malungkot.

“Darating ‘yun kapag para sa iyo, pero sa madalas naming pagkikita ng mga anak ko ngayon, e, para ano pa’t malulungkot ako? Madalas ko silang nakakasama ngayon, gustung-gusto rin nila ang nature.

“Masaya ako dahil maganda ang takbo ng show natin, marami tayong napapasayang mga kababayan, may mga nagbabago ang buhay dahil sa Wowowin, okey na okey na ako du’n!” kaswal na pahayag ni Willie Revillame.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending