Luis di matatahimik hangga't karelasyon si Jessy; ayaw tantanan ng bashers | Bandera

Luis di matatahimik hangga’t karelasyon si Jessy; ayaw tantanan ng bashers

Cristy Fermin - December 14, 2016 - 12:05 AM

jessy mendiola at luis manzano

PARANG kahit malapit na ang Pasko ay hindi pa rin reregaluhan ng katahimikan ng kalooban ng mga basher si Jessy Mendiola.

Negang-nega pa rin ang girlfriend ni Luis Manzano, pinakakain pa rin siya ng apdo araw-araw ng mga basher, kailan kaya siya bibigyan ng katahimikan ng mga taong ayaw sa kanya?

At kapansin-pansin na hindi naman sa isang grupo lang nagmumula ang mga pamba-bash sa dalaga, mula ‘yun sa iba-ibang direksiyon ng bansa, ano nga ba meron si Jessy para hindi siya magustuhan ng mas nakararaming kababayan natin?

Si Luis tuloy ang nalalagay sa indulto dahil sa pagtatanggol sa kanyang mahal, ito ang nabibira, ito ang pinakakain ng kung anu-anong masasakit na salita.

Hindi ‘yun nangyari kay Luis sa mga nakaraan nitong pakikipagrelasyon, tanging sa panahon lang ni Jessy, hindi kaya isang araw ay isuko na rin ni Luis ang laban?

Kuwento sa amin ng isang source, “Dati nang nega si Jessy, hindi naman ngayon lang na si Luis na ang boyfriend niya. Kahit nu’n pa, marami nang napaplastikan kay Jessy!”

Walang katahimikan ang relasyong ito, araw-araw ay binobomba sila sa social media, tanging pagmamahal na lang nila sa isa’t isa ang nagtatali kina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Kunsabagay, hindi naman ang mga basher ang makapagpapaligaya sa kanilang dalawa, kaya tuloy pa rin ang ligaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending