Coco sa mga OFW: Gusto kong ibalik sa inyo ang blessings! | Bandera

Coco sa mga OFW: Gusto kong ibalik sa inyo ang blessings!

- December 14, 2016 - 12:10 AM

coco martin

“HINDI kami napapagod…kasi alam naming na nai-isipire namin kayo. Alam namin na nakakapag-inspire kami ng bawat Filipino. Mahal na mahal ko kayo!”

Ito ang ipinahayag ng King of Primetime na si Coco Martin sa katatapos lang na “FPJ’s Ang Probinsyano: Isang Pasasalamat” two-city thanksgiving last week sa Middle East.

Binitawan ni Coco ang mga salitang ito dahil mula sa Pilipinas hanggang sa Gitnang Silangan, patuloy na minamahal ng mga Filipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo ang nangungunang teleserye sa bansa, ito ngang FPJ’s Ang Probinsyano ng ABS-CBN.

Bilang pasasalamat ng long-running at award-winning teleserye para sa mga sumusuporta rito, dinala ng ABS-CBN The Filipino Channel ang ilang miyembro ng cast sa pangunguna ni Coco sa Al Khobar at Dubai at bilang hudyat din ng pagsisimula ng ika-20 anibersaryo ng TFC sa Middle East.

Inilunsad noong 2015, patuloy pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano sa pamamayagpag sa TNS Kantar ratings sa Pilipinas at sa ibang bansa bilang isa sa mga programang may pinakamaraming views sa TFC.tv. Ilan lamang ito sa mahabang listahan ng achievements ng serye.

Kaya naman sa unang anibersaryo nito, ibinahagi ng cast members ang taos-pusong pasasasalamat sa pamamagitan ng musika at tawanan sa unang leg ng world tour nito.

“Napakarami ko nang lugar na napuntahan. Ang daming blessing na dumating sa buhay ko at gusto kong ibalik ito sa inyo. Gusto kong pumunta rito para magpasalamat ng personal,” ani Coco.

At bilang pasasalamat, nagbahagi ng ilang awitin at sayaw ang Kapamilya Heartthrob. Sa FPJ’s Ang Probinsyano, hinahangaan siya bilang si Cardo, isang simpleng pulis na nais lamang na bigyan ng marangal na buhay ang kaniyang pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending