Ate Guy: Nagpapasalamat ako na naiba ang takbo ng pagpili ng pelikula sa MMFF!
NAG-REACT si Nora Aunor sa nagsasabing hindi kikita ang Metro Manila Film Festival ngayon dahil puro indie films ang entries.
“Alam mo hindi natin masasabi ‘yan. Kasi ang sinasabi nila kapag festival ay nasanay na ang mga bata na mayroong comedy, na merong mga pambatang pelikula. Pero gaya ng sinabi ko kanina, napapanahon at nagpapasalamat ako na naiba ‘yung takbo ng mga piniling mga pelikula para isali sa Metro Manila Film Festival sapagkat ito ang taon na ang mapapanood nila ay mga kalidad na mga pelikula,” say niya sa presscon ng movie niyang “Kabisera” na isa sa official entries ng MMFF.
“Kung talagang gugustuhin ng tao ay talagang kikita. Hindi natin masasabi na para sa Pasko o kung kailan man,” dagdag pa niya.
She also reacted sa bagong MMFF policy na complete movie na ang ipakita sa screening committee at hindi ‘yung script lang.
“Kapag nabasa mo ‘yung script, ‘ah, maganda ‘yung script. Baka paglabas nito ay maganda ‘yung pelikula, maganda ‘yung script.’ Pero may mga nangyayari na kahit maganda ‘yung script na nabasa mo, pagkatapos gawin ang pelikula at naipalabas na ay may mga insidente na hindi pa rin (maganda), may hinahanap ka, parang kulang. Para bang hindi na-execute ‘yung script na nabasa mo.
“Pero meron namang iba na sabihin na natin na hindi masyadong maganda ang pagkakagawa ng script tapos noong ginawa mo ang script ay maganda ang pagkakagawa ng pelikula ayun ang talagang ano. Kaya hindi natin puwedeng ihambing at puwede nating sabihin na for indie ‘yan, for mainstream ’yan.
Nasa sa paggawa pa rin ng pelikula, nasa mga artistang na nadoon na ating nakasama,” say niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.