Aktres ayaw nang makipagbalikan sa baklang mister, naka-move on na | Bandera

Aktres ayaw nang makipagbalikan sa baklang mister, naka-move on na

Cristy Fermin - December 09, 2016 - 12:35 AM

BLIND ITEM  FEMALE 0318

KAHIT pala maraming nagtutulay para sa kanilang pagbabalikan ay pinanindigan na ng isang dating youngstar ang pakikipaghiwalay sa kanyang napangasawa na mula rin sa showbiz ang ugat.

Walang kahit sinong pinakinggan ang female personality, naging bingi at bulag siya sa mga payo ng kanilang mga kaibigan, namumuhay na siya ngayon nang walang haligi ang tahanan nilang mag-iina.

Nagsimula ang pagkakalabuan ng mag-asawa nang mahuli ng female personality ang kanyang mister na may ibang karelasyon. Okey lang sana kung kabaro niya ang kahati ng girl sa puso ng kanyang mister, pero na-shock siya, lalaki ang karelasyon nito.

Kuwento ng aming source, Medyo nakaka-move-on na siya ngayon, talaga lang sigurong nahirapan siya, dahil imagine naman, lalaki ang ipinalit sa kanya ng husband niya.

“Ang unang dahilan ng pagka-shock, nalaman niya na girl din pala ang mister niya, napakatagal siyang napaniwala ng kasiping niya gabi-gabi na lalaking-lalaki ang ama ng mga anak nila.

“Pero hindi pala, iisa lang pala ang kanilang hanap, family friend pa nila ang ipinangpalit sa kanya, napakasakit nga naman nu’n, di ba?” kuwento ng aming impormante.

Ngayon ay nakakahinga na nang maluwag ang dating youngstar, tinanggap na niya sa kanyang sarili na minsan, humihina rin ang pang-amoy natin sa kasarian ng taong nagpapaligaya sa atin.

Balik-kuwento ng aming source, “Maraming nagpayo sa kanya na kahit para man lang sa mga anak nila, e, lunukin na lang niya ang lahat, pero walang nagtagumpay. Sumabog na talaga ang girl na parang granada, walang-wala na siyang intensiyong tanggapin pa ang pa-girl din pala niyang mister,” pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, wala nang clue, give na give na kung sino ang girl na bumibida sa ating kuwento.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending