Perpetual nakisalo sa No. 2 spot ng NCAA Season 92 men’s volleyball | Bandera

Perpetual nakisalo sa No. 2 spot ng NCAA Season 92 men’s volleyball

Angelito Oredo - December 06, 2016 - 01:00 AM

Mga Laro Ngayon
(The Arena)
8 a.m. CSB vs LPU (juniors)
9:30 a.m. CSB vs LPU (men’s)
11 a.m. CSB vs LPU (women’s)
12:30 p.m. SSC vs EAC (women’s)
2 p.m. SSC vs EAC (men’s)
3:30 p.m. SSC vs EAC (juniors)

BINIGO ng defending champion Perpetual Help ang nakatapat na Mapua, 25-23, 25-18, 25-20, Lunes para makisalo sa tatlong koponang pagtatabla sa ikalawang puwesto sa men’s division ng 92nd NCAA volleyball tournament sa The Arena.

Naghulog si Allan Jay Sala-an ng match-best 13 hits kabilang ang siyam sa kills habang nag-ambag naman sina Kasim Esmail at Rey Taneo, Jr. ng 11 at 10 puntos upang itulak ang Altas sa ikalawang puwesto kasalo ang St. Benilde at San Beda na may 3-1 panalo-talong kartada.

Ginabayan naman ni Relan Taneo ang matinding atake ng Las Piñas-based na Perpetual sa pagtala ng 30 excellent sets.

Ang panalo ay nakapagbalik sa kumpiyansa ng Perpetual Help na agad nalasap ang tanging kabiguan nito ngayong taon sa limang set na kabiguan, 25-18, 29-27, 23-25, 27-29, 10-15, kontra San Beda noong Nobyembre 20.

“We’re getting our confidence back after our loss,” sabi ni Perpetual Help coach Sammy Acaylar.

Ang Cardinals ay pinamunuan naman ni Rey Arth Andaya na may 11 puntos bagaman nahulog ang koponan sa kanilang ikatlong kabiguan habang may dalawang panalo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending