Kilalang female star nakarma sa sobrang kaartehan, bagong reyna ng mga 'nganga' | Bandera

Kilalang female star nakarma sa sobrang kaartehan, bagong reyna ng mga ‘nganga’

Cristy Fermin - December 06, 2016 - 12:15 AM

BLIND ITEM FEMALE 0316
TAWA nang tawa ang aming source habang ikinukuwento nito ang mga kalokahan ng isang female personality na matagal din nilang nakasama sa isang network.

Wala na raw kakabog sa babaeng personalidad kapag kaartehan ang pag-uusapan dahil pinakyaw na niyang lahat ang kaartehan sa mundo nang magpasabog ang langit.

Kapag dumarating na kuno sa istasyon ang female personality, sa halip na batiin siya ng mga guwardiya ay nagpapakaabala kunwari ang mga ito, pero ang totoo ay umiiwas lang naman sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Paano naman siya babatiin, e, para naman siyang walang nakikita at naririnig? Mag-good afternoon man sa kanya ang mga guards, parang wala lang, ni hindi man lang siya tumatango bilang pagpapahalaga sa mga rumerespeto sa kanya!

“Ganu’n naman siya palagi, e, deadma lang siya sa lahat ng mga nasasalubong niya, parang wala siyang nakikita, hindi siya namamansin!” simulang chika ng aming impormante.

At may drama pa pala ang female personality na itey. Kapag nasa hallway na siya ng network, nagkukunwari siyang may kausap sa cellphone, di nga ba’t nabukelya siyang wala namang kausap nu’ng biglang mag-ring ang phone niya habang nasa tenga niya?

“Mismo! Bakit ba ganu’n ang babaeng ‘yun? Maghihirap ba siya kapag tinanguan man lang niya ang mga bumabati sa kanya? Isang tango lang, okey na ‘yun, pero napakaramot niya!

“Pero hindi na niya magagawa ‘yun ngayon dahil Walaysia Ngangers na siya! Gusto man niyang mag-inarte pa rin, e, wala nang paraan, wala na siyang network ngayon. Nganga na siya!

“Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, kapag hindi n’yo pa nahulaan kung sino ang female personality na ito, e, siguradong mawawalan din kayo ng career!” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending