PORMAL nang natanggap ng Palasyo ang resignation letter ni Vice President Leni Robredo bilang Chairperon ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) matapos namang pagbawalan sa pagdalo ng mga pulong ng Gabinete.
Ayon sa Malacanang, natanggap ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang resignation letter ni Robredo ganap na alas-9:07 ng umaga.
“Your directive for me to desist from attending all Cabinete meetings has effectively made it imposible for me to do my job. Remaining in your Cabinet has become untenable,” sabi ni Robredo sa kanyang sulat kay Duterte na may petsang Disyembre 5, 2016.
Matatandaang sinabi ni Robredo na sinabihan siya ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco na pinasasabi sa kanya ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go na bawal na siyang dumalo ng mga pulong ng Gabinete simula kahapon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.