Coco Martin may trauma tuwing birthday; bakit ba laging naka-shades?
SADYA palang hindi naghahanda si Coco Martin sa tuwing sasapit ang kaarawan niya (Nobyembre 1) dahil nagka-trauma siya noong bata na dala-dala niya pa rin hanggang ngayon.
Ito ang kuwento ng lead actor, line producer at director sa vlog ni Ogie Diaz na in-uploaod kagabi sa YouTube at inamin niyang malungkot siya kapag birthday niya.
“Ngayon ay naiisip ko dapat nga masaya ako kasi ang November 1 ay hindi naman all souls day, all saints ‘yan, eh. Pero kung tutuusin ay puwede nga akong mag-celebrate ng October 31 kasi salubong kaso lang meron akong hindi magandang karanasan nu’ng bata ako,” ang pagbabahagi ni Coco.
“Nine years old ako nu’ng mag-separate ang parents ko, nu’ng unang magkita kami ng mama ko after nilang mag-separate siyempre sabik na sabik sa akin (at) nandoon kami sa Pampanga noon pinaghanda ako.
Baka Bet Mo: Julia Barretto: Ang dami kong dreams noong bata na ‘di ko na-fulfill because we didn’t have enough money…
“Ang ginawa niya inimbita niya ‘yung mga kamag-anak ko sa Arayat, Pampanga kasi taga-Arayat din kami.
View this post on Instagram
“Siyenpre nag-abala ang mama ko, siya pa nagluto tapos nu’ng (party) walang nagpunta. Dahil bata ako, nagkaroon ka ng trauma kaya hindi ako masaya kapag birthday ko.
“Kasi naawa ako sa nanay ko nakita ko ‘yung lungkot niya, frustrations niya tapos ‘yung mga pagkaing niluto niya ipinamigay niya sa kapitbahay niya.
“Kaya pag birthday ko at inaano (sinasabihan) akong mag-celebrate ayaw ko talaga. May nagsabi na surprised na lang sabi ko huwag na kasi ako gusto ko kakain lang pagkatapos ay matutulog na ako,” esplika ng aktor.
Pero hindi nakatiis ang co-workers ni Coco sa “FPJ’s Batang Quiapo” dahil sinorpresa siya.
“Nahihiya ako hindi talaga ako sanay. Hindi ko rin maintindhan siguro umaano sa atensyon pero siyempe haharapin mo at nahihiya ako lalo na kapag naimbitahan ka at magsasalita obrang nahhiya ako,” sabi pa.
At kaya raw lagi siyang may suot na shades sa mall shows o sa mga guesting niya ay dahil nahihiya siya at kapag wala siyang suot na salamin ay makikitang ang likot-likot ng mata niya. Pero kapag tinanggal na niya ang shades ibig sabihin ay relax na siya.
Kapag tatanggap naman siya ng award ay abut-abot ang kaba niya pero hindi niya iyon ipinahahalata sa lahat na sobrang dinadaga na ang dibdib niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.