Sino sa kanila ang sinungaling: si Dayan o Kerwin?
MAMAYA ay magtutuos ang ex-driver/lover ni Senador Leila de Lima na si Ronnie Dayan at ang confessed drug lord na si Kerwin Espinosa sa Se-nate hearing.
Ayon kay de Lima: “hindi ako dadating sa punto na mag-testify sila, especially si Ronnie Dayan, pero mag-attend ako kapag iba na.”
Kung nagkataon, mas titindi pala ang telenobela sa live coverage ng hearing mamaya.
Unang-una, ano ba talaga ang totoo? 2014 ba o 2015 nagbibigayan ng pera sina Kerwin at Dayan? Paano nagkakilala sina Dayan at Kerwin? Sabi ni Kerwin, si Chief Inspector Jovy Espenido ang tumawag para kay Dayan? Pero sabi ni Espenido, di niya kilala ito.
Sabi naman ni Dayan, inutusan lang siya ni de Lima para kumuha ng pera kay Kerwin at di niya rin kilala. Pero noong nasa Baguio, siya ang nagpakilala kay Kerwin kay de Lima. Alin ba talaga ang totoo?
Totoo bang February (sabi ni Dayan) o March (sabi ni ex bodyguard Jonell Sanchez) 2015, sinibak ni dating Justice Sec. De Lima ang lover? Bakit tumatanggap pa si Dayan ng pera noong 2015 hanggang 2016?
Bakit nandoon siya ng February 2016 nang ibigay ni Kerwin ang huling pera sa kampanya ni de Lima? Bakit itinuturo si Dayan ng maraming testigong “convicted drug lords” sa Bilibid tulad ni Herbert Golangco at iba pa na tumanggap ng pera para kay De Lima mula noong 2013, 2014, 2015?
Saan napupunta ang milyun-milyong pera na tinanggap nina Dayan, Jonell Sanchez? Kay de Lima ba? O sa ibang grupo na totoong nasa likod ng proteksyon sa drug lords?
Naiintindihan ko kung bakit hindi haharapin ni de Lima si Dayan. Mahirap ang sitwasyon niya kay Kerwin sa Senado kung saan di siya nagtanong kahit isang beses lang.
Sa mga abogado, ang hindi pag-imik habang harapan siyang pinagbi-bintangan ay “tacit admission” o parang pag-amin sa mga akusasyon. Kung magtatanong siya, sasabihin ng mga kritiko na makapal ang kanyang mukha at ginagamit ang posisyon para sa pansari-ling interest.
Sa ngayon, sabi ni de Lima, nagkakabuhul-buhol daw ang “script” nina Dayan at Kerwin, pero ano naman kaya ang script ng senadora sa harap ng detalyadong mga testimonya?
Bukod sa kasong drug protector sa DOJ na isinampa ng VACC, na-nganganib siyang matanggal sa Senado sa isang “ethics complaint” at pati pagiging abogada ay nalalagay rin sa bingit ng alanganin dahil sa “immorality” complaint sa Korte Suprema.
Maganda sana kung dadalo si de Lima at kokomprontahin sina Dayan at Kerwin para harap-harapan silang magkaalaman kung sino sa kanila ang nagsisinu-ngaling.
Ang kanyang pag-iwas, sa aking palagay, ay lalo lamang magdidiin sa kanya at ikadidismaya ng marami mamaya. Kung susuriin, mag-aanim na buwan na ang Duterte administration sa pagbubulgar sa Bilibid bilang sentro ng drug trade sa bansa.
Ang masakit, malabo pa rin ang mga pumapasok na impormasyon. Halimbawa, iyong AMLC, nananadya na yata sa hindi paglabas ng mga bank account ng mga sangkot sa droga. Ano na ang nangyari sa mga PNP generals kasama na iyong mga nagretiro na sangkot sa droga? Hinahabol pa ba sila?
Yung kaso ni P/Supt Marvin Marcos, na pinabalik daw sa Region 8 ni Pres. Duterte gayong na-bulgar na nagbabayad ito ng P500,000 sa isang pulis-Leyte para patayin si Mayor Espinosa. Dakong huli, pinapatay din niya ang pulis.
Mamaya, panoorin at makinig tayo sa mga si-nungaling. Hanapin natin ang katotohanan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.