Baron insekyur sa sukat ng pototoy kaya dinadaan sa tapang at pambu-bully
SA PAGBUO ng pahayagan, may tinatawag na “banner story.” Ito ‘yung pinakamalaking balita sa araw ng paglabas ng diyaryo.
Also generally found on the front page ay ang tinatawag namang “sidebar,” an article related to the banner story but viewed from a different perspective. Maaari itong baklasin mula sa major headline pero nabibigyan pa rin ng editorial prominence.
Hayaan n’yong mag-Journalism 101 ang inyong lingkod gamit ang kasong kinapalooban nina Baron Geisler at Ping Medina over the week.
Albeit constructed differently, umiikot lang naman sa iisang anggulo ang mga nagsusumigaw na ulo sa mga diyaryo at sa social media: ang inasal ni Baron sa mismong take ng isang eksena sa ginagawa nilang pelikula ni Ping partikular na ang pag-ihi nito sa mukha ng kanyang kaeksena.
Ang mga detalye ng insidenteng ‘yon ay kumpletong inilahad ni Ping. Pero sa pagitan ng kuwentong ‘yon lies a “sidebar-rable,” equally interesting if not thought-provoking separate story worthy of e-ditorial space.
Tiyak kasing nakaagaw ng atensiyon sa mga netizen ang description ni Ping sa kargada ni Baron, mista-king it for a “pinky finger” (hinliliit) na sinundan pa ng linyang “totoo yata ang chismis” enclosed I parentheses.
Bluntly put, hindi pala panalo ang penile size ni Baron. At paano itong kumalat sa showbiz that even a straight guy like Ping na obviously ay walang pakialam o interes sa ari ng may ari ng kapwa niya lalaki ay nakaalam ng tsismis?
Si Baron na dating mainstay ng Tabing-ilog sa ABS-CBN, may nakasabay kaya siyang nagbabad nang hubo’t hubad sa ilog na kapwa niya binatilyong aktor na nakasipat ng kanyang putotoy? Ito kaya ang nagkalat sa showbiz?
O, posible rin kayang dati nang gawi ni Baron ang dyuminggel with his private parts exposed, or could it be that any of his one night-stand showbiz partners ang siyang nagkalat?
Hindi ba’t banner story at sidebar ang pinag-uusapan natin dito? Let’s turn to the Science Section of this imaginary newspaper for another sidebar.
Still related on Baron’s unimpressive, disappointing penile size ay may kolum sa pahinang ito ang isang psychologist o behavioral scientist na may opinyon vis a vis the actor’s (mis)demeanor (kunwari lang).
Ayon sa sumulat, “Baron Geisler’s indiscriminate act of pee-ing at a person’s face due to intoxication may be regarded as a form of defense mechanism. This clearly manifests Baron’s manner of asserting himself to cover up for his physical inadequacies. And in this particular case, his penile size.”
Eh, ‘di wow…siya na!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.