Boobs ni Andrea Torres agaw-eksena sa Alyas Robin Hood | Bandera

Boobs ni Andrea Torres agaw-eksena sa Alyas Robin Hood

- December 05, 2016 - 12:10 AM

andrea torres at dingdong dantes

BUKOD pala sa mga maaaksiyong eksena sa GMA Telebabad series na Alyas Robin Hood ni Dingdong Dantes, isa pa sa talagang inaabangan ng male viewers sa serye ay ang Kapuso actress na si Andrea Torres.

Kaya pala mas dumami ang mga kalalakihang tumututok sa Alyas Robin Hood ay dahil hinihintay nila ang mga eksena ni Andrea kung saan palagi itong naka-short shorts at sando. Bukod pa iyan sa mga eksenang kailangan niyang mag-2-piece bikini.

Isang avid viewer ng serye ang nag-email sa BANDERA para lang i-request sa GMA na habaan pa raw ang mga eksena ni Andrea para sulit na sulit daw ang panonood nila.

“Sarap matulog after mag watch ng ARH lalo na kapag napapanood ko si Andrea. Tsalap Tsalap! Boobs pa lang solved na! Hehehe! Sana makita ko siya sa personal! Pede na kong mamatay kapag nakiss ko siya! Hehehehe!” sabi pa ng lalaking tila obsessed na sa sexy actress.

Samantala, sa pagpapatuloy ng Alyas Robin Hood ngayong gabi, shocked si Dean (Sid Lucero) nang makita si Pepe (Dingdong Dantes).

Susundan niya ito pero makakapasok si Pepe sa elevator at makakaalis. Babanggitin ni Dean sa ina ang nasaksihan sa resort. Magpapatulong sila sa resort manager para sa CCTV footages pero nagkataon namang hindi pa gumagana ang mga nakakabit na camera sa floor kung nasaan si Pepe.

May babayarang chambermaids at security si Dean para hanapin si Pepe. Bibigyan niya ito ng pictures ng lalaki.

Tapos na ang exchange student program ni Lizzy (Lindsay de Vera). Magpapaalam na siya sa mga kaklase niya including Julian (Dave Bornea) and Rex (Prince Villanueva). Maririnig ni Rex ang palitan ng matatamis na salita ng dalawa. Malalaman niyang in a relationship na ang dalawa.

May magmamanman na chambermaid sa room nina Pepe. Hindi niya makikita ang lalaki. Ang makikita niya ay sina Frida (Antonette Garcia) at Junjun na naglalandian. Kunyaring maglilinis ng kwarto ang chambermaid. Sa pag-alis nito, malalaglag niya ang picture na binigay ni Dean sa kanya.

Makakaamoy sina Frida, Junjun, Leandro (PJ Abellana) at Venus (Andrea). Maiisip nilang magbago na ng identity si Pepe dahil malamang ay may naghahanap sa kanya. Lalo pang iigting ang kagustuhan nilang gawin ito nang makita ni Pepe ang mag-inang Maggie (Cherie Gil) at Dean.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending